106

38 2 0
                                    

Nanlalaki ang matang nilibot ni Reina ang mata nito. May mga bato at lupa na sira at ang iba ay natutunaw mula sa apoy. Ang mga puno na malapit lamang sa kaniya ay sira na at nasusunog. Nakita nito ang dalawang kaibigan niya na malapit sa isa't isa at may bow at chain sa pagitan ng dalawa. May malaking crack sa lupa kung saan sila nakatayo at halos nakalubog na ang dalawa. Masama ang tingin nila sa isa't isa.

Gulat din si Reina nang makitang nagiba ang itsura ng dalawa niyang kaibigan.

Ang wavy na buhok ni Rin ay mahaba at kulay berde ang kalahati nito. Naka crop top sleeve na green armor si Rin at may black heart shape na armor na nakapalibot sa dibdib nito. Sumasayaw naman ang hindi gaanong kahabang palda ni Rin sa likod niya sa hangin at makikita mo ang black leather short nito at ang black na may design na green line na boots niya.

Sa itaas naman ay nasa malaking anyo si Morpheus at nakasakay roon ang dalawang Reyna habang nakikipaglaban sa tatlong Demdra.

Hindi alam ni Reina kung anong nangyari at gusto man niyang lumapit sa dalawa niyang kaibigan ngunit masama ang aura na nilalabas ng dalawa at baka hindi kayanin ng katawan niya kung sakaling lalapit siya.

Gulong gulo ito sa nangyayari.

Muli niyang inilibot ang paningin niya sa paligid pero hindi niya makita ang soul familiar niya. Pinakiramdam nito ang presensiya niya at habang ginagawa iyon ay nakalapit na si Aizen sa kaniya at gulat din sa nakikita niya.

"A-anong nangyayari rito?" gulat na tanong ni Aizen sa sarili niya.

Napatingala naman si Rei nang maramdaman niya na naroon si Jack. Nakasakay din si Jack at tinutulungan ang dalawang Reyna makipaglaban.

Si Ron at Kevin naman na kasama lamang ng dalawang Reyna kanina ay hindi matagpuan sa paligid.

"OI! HAZEL! RIN! ANONG GINAGAWA NIYO?!" naibaling ni Reina ang paningin niya sa direksyon muli ng dalawa.

Nagulat din si Reina nang makita ang itsura ni Akira. Ang white coat na sumasayaw rin sa hangin ay may bahid ng dugo na hindi malaman ni Reina kung kanino.

Nalipad si Akira sa bandang itaas lamang ng dalawa niyang kaibigan. Napansin ni Akira na may nakatingin sa kaniya kaya tinignan niya ito. Gulat ito nang makita si Reina at kalaunan din ay ngumiti at kumaway dito.

Gusto man niyang lumapit kay Reina ngunit kailangan niya muna alamin kung ano ang nangyari sa dalawa niyang kaibigan. Masama ang tingin ng dalawa at tinutulak ng dalawa ang armas nila sa isa't isa.

Hindi niya alam kung bakit ang dating magkasundo ay bigla na lamang nag aaway sa harap niya.

Napalunok si Akira ng laway dahil masyadong mainit sa pwesto nila Hazel at unti-unti rin nag ka-crack ang tinatayuan ng dalawa.

"O-oi..." mahinang pagtawag niya ngunit hindi siya pinansin ng dalawa.

"Rin...umalis ka sa daan ko." biglang kinilabutan si Akira nang marinig ang malamig at matalim na salita ni Hazel.

Ngumisi naman si Rin sa sinabi ni Hazel.

"Ako pa ngayon ang nakaharang. Hindi ba ikaw ang unang humarang satin dalawa?" malamig at matalim din na sabi ni Rin at napayakap na sa sarili si Akira dahil sa kilabot nito sa dalawa.

"O-OI! T-tigil niyo na nga yan." sigaw ni Akira at unti-unting binaba ang sarili niya. Sabay naman tumingin ang matalim na mata ng dalawa kay Akira.

May biglang chain naman ang lumabas mula sa lupa at inatake si Akira kaya muling lumipad paitaas si Akira. Nakaramdam ito na mainit na bagay sa likuran niya kaya agad siyang gumilid at may malaking pana ang tumama sa lupa.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon