THIRD PERSON P.O.V
Pagkatapos ng pagsusulit ni Akira sa ikalimang building ay umiiyak siya sa harap nito. Naninikip din ang dibdib niya at parang may sumasakal sa puso niya. Kahit anong punas niya sa mata niya ay hindi natigil ang luha sa pagpatak.
Bigla naman may naglagay ng jacket sa balikat niya. Huminto siya saglit sa pag-iyak at tinignan kung sino ang taong 'yon.
Nakangiting nakatingin sa kaniya si Jasper. Tinakpan niya ulit ang mukha niya dahil basa ang mukha niya dahil sa luha niya.
"Binibining Akira, kailangan mo na tumayo at umalis dito. Magsisimula na ang susunod na pagsusulit." sabi ni Jasper kay Akira. Nakaluhod ang isang tuhod niya sa lupa at tinignan si Akira na nakaupo sa sahig.
Pinunasan ni Akira ang mukha niya gamit ang jacket na binigay ni Jasper. Sinuot rin niya ng mabuti ang jacket dahil gutay-gutay na ang damit na suot niya.
Inalalayan siya ni Jasper tumayo at sabay silang naglakad. Napansin ni Jasper na nakayuko lang si Akira at nahikbi. Marami rin na estudyante ang nadaan sa pwesto nila at napapatingin kay Akira.
Naglakad si Jasper sa harap ni Akira at tumigil ito doon at tumama ang noo ni Akira sa likod niya. Tinignan siya ni Akira na may pagtataka pero nginitian lang siya ni Jasper.
Nagpatuloy ulit sa paglalakad si Jasper, nagtataka man ay sumunod lang si Akira sa likod ni Jasper at dahil doon ay hindi na gano'n pinagtitinginan si Akira kahit nahikbi pa ito.
Huminto ang dalawa sa lugar kung saan wala masyadong tao. Ginamit ni Jasper ang magic niya. May isang malaking bulaklak ang lumitaw at inalalayan niya si Akira umupo sa malaking bulaklak bago siya umupo. Nang komportable na silang dalawa ay biglang umangat ang bulaklak at huminto sa itaas kung saan makikita mo ang limang building, ang araw, at gubat.
Namangha naman si Akira dahil do'n, nahikbi pa rin siya at pansin mo ang pamamaga ng mata niya.
Nakangiti lang si Jasper habang nakatingin kay Akira na namamangha ngayon sa nakikita niya.
"Binibining Akira, nagagandahan ka ba sa tanawin?" nakangiting tanong ni Jasper at tumango naman si Akira.
"Maganda ang tanawin." pagsagot ni Akira.
"Ang lalaking 'yon...sino siya?" pagtatanong ni Jasper. Bigla naman nag-iba ang itsura ni Akira at makikita mo sa mata niya ang lungkot.
Malungkot na ngumiti si Akira bago yumuko.
"Kung nahihirapan at hindi ka pa handa sabihin ay ayos lamang. Kung gusto mo ng makakausap ay andito lamang ako."
"Pasensya na kung hindi ko masabi sa inyo. Ang kaya ko lamang sabihin ay ang lalaking 'yon ang pinaka importante sa buhay ko." malungkot na sabi ni Akira.
May nangingilid ulit na luha sa mata niya dahil naalala na naman niya ang pagkikita nilang dalawa kanina.
"Naintindihin mo ba ang sinasabi namin kanina?" pagtatanong ni Akira at pinunasan ang luha niya sa mata.
"Sinasabi sa'kin ni Binibining Hazel ang pinag-uusapan niyo. Mukhang nag-aalala rin sila sa'yo." natawa naman si Akira nang marinig ang sinabi ni Jasper.
Pinagdikit niya ang dalawang binti at pinatong ang dalawang braso niya at pagkatapos ay pinatong niya ang baba niya doon at tinignan ulit ang tanawin sa harap niya.
"Pasensya na kung nakita niyo ako na gano'n. Hindi ko nakontrol ang emosyon ko nang makita ko siya." malungkot na sabi ulit ni Akira.
Hindi sanay si Jasper na ganito magsalita si Akira. Na malungkot siya at ang ngiti rin niya ay malungkot pati ang pagtingin nito sa paligid ay may lungkot din.
Mas sanay siyang nakangiti ito ng masaya at masaya ang boses nito tuwing nagsasalita o kaya nagk-kwento ito ng nakakatawa.
"Jasper." nagulat si Jasper nang tawagin siya ni Akira.
Tinignan niya si Akira at nakatingin din si Akira sa kaniya habang nakapatong ang ulo nito sa braso niya.
"Maaari mo ba sabihin kung anong klaseng kuya ang kuya mo." pagtatanong ni Akira.
"Anong klaseng kuya si Kuya Ethan?" takang tanong ni Jasper at tumango naman si Akira.
Nagtataka man ay sinabi pa rin ni Jasper ang tingin niya sa kuya niya.
"Hmm, si Kuya Ethan ay isang masiyahing tao rin katulad mo. Palagi siyang maraming ginagawa ngunit tuwing kailangan namin siya ni Aurora ay pinupuntahan pa rin niya kami. Ang hilig din niyang magbiro at mang-asar ngunit hindi niya nakakalimutan ang responsibilidad niya bilang isang prinsipe." bigla naman tumingala si Jasper habang nagk-kwento.
"Dahil mas malakas si Kuya Ethan kaysa sa'kin ay lagi kaming pinagkukumpara. Alam kong hindi maganda ang tingin ng ibang tao sa'kin dahil hindi ako katulad ni Kuya Ethan, ngunit kahit kailan ay hindi kinukumpara ni Kuya Ethan ang sarili niya sa'kin. Tuwing may maririnig kami na hindi maganda tungkol sa'kin ay mas nagagalit pa siya sa'kin." bigla naman natawa si Jasper sa huli niyang sinabi, tinignan niya si Akira at nagulat ng may makita siyang luha sa mata nito.
Pinunasan naman ni Akira ang mata niya dahil doon.
"Ayos ka lang ba, Binibining Akira? Bakit mo naitanong ang tungkol kay Kuya Ethan?" takang tanong ni Jasper.
"Dahil parang gagawin ng Kuya mo ang lahat huwag ka lang masaktan o hindi bumaba ang tingin mo sa sarili mo. O kaya naman...gagawin niya ang lahat magawa mo lang ang ano man gusto mong gawin." walang idea si Jasper sa sinasabi ni Akira. May pagka gano'n nga ang kuya niya pero hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito si Akira.
Bigla naman tumingala si Akira at malungkot na tumingin sa kalangitan.
"May kakilala ako na katulad niya...na isasakripisyo ang sariling kaligayahan para sa'yo." malungkot na mungkahi ulit ni Akira.
Tinignan lang siya ni Jasper habang malungkot na nakatingin sa langit.
Nagulat naman silang dalawa dahil biglang gumuho ang ikalawang building.
"Eh? Di ba nandoon si Rin?" tanong ni Akira at tumango naman si Akira.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Akira.
Bigla naman may lumitaw na maliit na screen sa harap ni Jasper at pinindot ang screen para kay Rin.
"Woah!" lumapit si Akira sa gilid ni Jasper at sumilip sa screen nito. Binack ni Jasper ang video upang tignan ang nangyari at dahil doon ay nalaman nila ang nangyari. Binalik ulit nila sa orihinal na oras ang video.
"Pft, BWAHAHAHAHA ang galing naman ni Rin." biglang tawa ni Akira.
"Natapos niya agad ang ikalawang gusali sa isang iglap lang." natatawa nitong sabi.
Bigla naman ngumiti si Jasper habang pinagmamasdan si Akira na tumawa.
Nanatili ang dalawa sa itaas ng bulaklak habang pinapanood si Rin makipaglaban.

BINABASA MO ANG
The Other World
FantasyAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...