THIRD PERSON P.O.V
May biglang kaguluhan ang nangyari sa kaharian. May biglang liwanag ang bumalot sa tatlong kaharian. At sa isang iglap lang ay nasa Shisakilzen ang lahat ng tao. Hindi makilala ang lugar na 'yon dahil sa baha at mga kahoy, semento at batong nakakalat.
Nagtaka naman ang apat na reyna dahil doon.
"Anong nangyayari, Angelika?" tanong ni Reyna Ann at nagkibit balikat lang si Reyna Angelika.
"AAARRGHHH!" napatingin ang lahat ng tao kay Aylene na biglang dumaing sa sakit. Para bang may sumasakal sa puso niya. Napaluhod agad ito sa putikan dahil don at hinahabol ang hininga niya.
"Aylene!" lalapit sana si Ron ng biglang may mga halaman ang sumulpot sa putikan at pumulupot sa braso at paa ni Ron ang mga halaman.
"RON!" sigaw ni Reyna Gladice at nag-iba agad ang suot niyang damit at naging knight suit agad ito.
"BINIBINING AKIRA!" biglang sigaw ni Leizyl at sinalo agad si Akira sa pagtumba.
"BINIBINING HAZEL!" sigaw naman ni Kevin at sinalo rin si Hazel.
"BINIBINING REI!" sigaw naman ni Aizen at sinalo si Reina.
Biglang nakaramdam ng hilo at sakit sa ulo ang tatlong binibini na ikinagulat ng tatlong reyna.
"Anong nagyaya-" hindi natuloy ang sasabihin ni Reyna Vanice ng manlaki ang mata nila sa biglang paglitaw ng tatlong malalaking hayop.
Ang soul familiar ng tatlong binibini ay biglang lumitaw kahit pa na hindi pa nila naituturo sa mga ito ang kapangyarihan ng kwintas.
"Bakit natawag agad nila ang soul familiar nila?" gulat na tanong ni Reyna Angelika.
Ang soul familar ni Akira ay isang griffin. At lumilipad ang malaking griffin na 'yon sa itaas ni Akira na para bang binabantayan niya ito.
Ang soul familiar naman ni Hazel ay isang lion. Nasa ibabaw din ni Hazel ang malaking lion na ikinatkot ng karamihan.
At ang soul familiar ni Reina ay isang black jaguar. Nakatingin lamang ito kay Reina na ngayon ay nadaing.
Nakatingala ang lahat dahil sa biglaang paglitaw ng tatlong soul familiar ng mga Binibini.
"Kung gano'n si Aylene din ay..." tumingin si Reyna Gladice kay Aylene at walang lumitaw na kahit isang nilalang. Si Aylene lamang ay nasa putikan at si Ron ay sinusubukan pa rin makawala sa mga halaman.
"Bakit?" takang tanong ni Reyna Gladice.
"AHAHAHAHAHAHA AHAHAHAHAHA AHAHAHAHHA" bigla silang nakarinig ng tawa. Agad na nagbago ang damit ng tatlong reyna at naging knight suit din 'yon.
Lumitaw naman si Gaia at lumilipad ito sa ibabaw ni Aylene. Tinignan niya na nakangiti sila Ron at Reyna Gladice.
"Kamusta ang lagay mo, Reyna Gladice?" nakangiti niyang sabi. Agad na nanlaki ang mata ni Reyna Gladice dahil pamilyar ang boses ni Gaia.
"Ikaw...ang unang reyna ng Shisakilzen." nanlalaking matang sabi ni Reyna Gladice at nagulat naman ang tatlong reyna.
Nilahad ni Gaia ang kamay niya at may lumitaw na puso doon. Unti-unti niyang sinasara ang kamay niya at napapasigaw naman sa sakit si Aylene.
"AAAAAHHHHH" daing ni Aylene na ikinagalit ni Ron.
"ITIGIL MO 'YAN, PAKIUSAP!"sigaw ni Ron. Ang mga halaman na nakapulupot kay Ron ay biglang humigpit. Tinignan siya ng masama ni Gaia.

BINABASA MO ANG
The Other World
FantasyAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...