RIN P.O.V
Unti-unti ng bumabalik sa dati ang apat na kaharian. Ang palasyo naman ng Shisakilzen ay malapit na rin magawa. Nalalapit na rin ang Birthday ni Nacy. 2 araw na lang ay babalik na ako ulit sa bayan.
Pero bago ako bumalik andami pang kailangan gawin. Dalawang araw pagtapos ng Birthday ni Nacy ay ang pagdiriwang namin apat.
Nasunod ang gusto namin apat at iilang Royalty ang kasali at ang mga opisyales ay kasali din.
Busy kami ngayong apat. Kakatapos nga lang namin tignan yung damit na susuotin namin, eh. Namimili na kami ngayon ng pagkain ihahanda. Syempre hindi nawala yung chocolate fountain. Kung pwede nga lang na chocolate fountain lang handa namin kaso may mga ibang tao din ang kakain.
Tinuruan din kami ng tamang pag-uugali ng ibang Royalty pero puro mali daw ginagawa nila sabi ni Hazel kaya siya ang pumalit at tinuruan niya rin yung Royalty ng tamang pag-uugali.
Akala ko yung tamang pag-uugali aayusin yung ugali mo mali pala. Posture mo, pano ka makipag-usap atbp ang pag-aaralan mo.
Yung decorations sa palasyo ng Ningkahaze ay hindi pa namin inaayos. Bukas na lang dahil pagod na kami at gabi na. Sa kwarto kami ni Reina natulog, dahil hindi pa tuluyang naayos ang palasyo ng Shisakilzen at yung dalawa naman ayaw pang bumalik sa kaharian nila.
.
.
.Ako ang unang nagising naghilamos at nagpalit muna ako ng damit bago ko gisingin yung tatlo. Nagising ko naman na sila at sabay sabay silang naghilamos at nagpalit. Dumating naman yung mga pagkain namin at yung mga aasikasuhin namin.
Nang matapos ang tatlo ay agad kaming kumain. Nang matapos naman kaming kumain ay inasikaso namin agad yung decoration sa pagdiriwang.
Gusto sana ni Hazel na full black kaso parang pampatay daw sabi ni Akira.
"Ano bang magandang kulay?" tanong ni Akira at nag-isip.
"Kung gold kaya?" sabi ni Akira at agad kaming umiling.
"Rainbow!" suggest niya at umiling kami lalo.
"Hm, purple? Para mukhang elegant." sabi naman ni Hazel at nag-isip din kami.
"Hm, kulay ng gown natin apat ay indigo, magenta, emerald at dim gray. Okay naman siguro, diba?" tanong ni Akira.
"Okay na 'yon, chocolate fountain lang naman habol natin." sabi naman ni Hazel at namili na ng mga decorations.
Hapon na kaming apat natapos.
Pumunta na kaya ako sa bayan? Birthday na bukas ni Nacy, eh. Wala naman na din kaming gagawin para sa pagdiriwang.
Tumayo ako para magpaalam kay Reyna Gladice. Ngayon ko na lang ulit makakausap si Reyna Gladice.
"Rin? Saan ka pupunta?" tanong ni Hazel kaya napahinto ako sa pwesto ko.
"Magpapaalam lang ako kay Reyna Gladice kung pwedeng umalis ako saglit, babalik naman ako sa lunes, eh." sabi ko naman.
"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Akira.
"Kila Arnel, birthday bukas ni Nacy nangako akong pupunta ako." sabi ko naman at nagtinginan silang tatlo.
Tumayo naman sila at hinila ako palabas ng kwarto.
Huh? Bakit?
Pumunta kami kung saan kami nagpagawa ng damit.
"Maaari ka po bang gumawa ng damit para sa batang babae? Para po sa dalawang taong bata."sabi ni Hazel sa gumawa ng damit namin.
BINABASA MO ANG
The Other World
FantasíaAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...