Nakarating na kami ngayon sa bayan at pagkababa na pagkababa namin ay halos walang tao sa bayan.
Anong nangyari sa bayan? Bakit iilan tao lang ang nasa labas at mukhang karamihan ay wala nang makain.
Naglakad kami papunta sa bahay lung nasaan sila Ginoong Deseo. Habang naglalakad ay tumitingin kami nila Hazel sa paligid dahil nagtataka kami sa kung ano ang nangyayari sa bayan.
Halos lahat ng tao ay nasa loob lang ng bahay. Iilan store lang din ang bukas. May mga knights din na naglilibot sa bayan.
Maya maya ay narating na namin yung bahay.
Pagpasol namin ay agad kaming binati ni Ginoong Deseo.
"Magandang araw, mga binibini." bati niya sakin.
"Magandang araw din, Ginoong Deseo." bati namin pabalik.
"Kumain na ba kayo?" tanong niya samin at tumango nama kami.
"Mabuti naman at kasama na namin kayo rito. Mas mapapadali ang trabaho namin." sabi ni Ginoong Deseo at umupo sa sofa.
"Ilalagay lang namin ang gamit niyo sa kwarto niyo. Ipapaliwanag ni Kuya Deseo ang nangyayari." sabi ni Morpheus bago umakyat sa taas.
Umupo naman kami katapat ni Ginoong Deseo na katabi ang isa pa niyang kapatid.
"Nakita niyo naman siguro ang bayan bago kayo nakarating dito, 'di ba?" tanong ni Ginoong Deseo kaya tumango kami.
"Maaari rin mangyari ito sa ibang bayan kung hindi natin agad natin masosolusyunan ito." sabi ni Ginoong Deseo na ikinataka namin.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ni Hazel.
Napabuntong hininga naman si Ginoong Deseo.
"Maaaring may ginawa ang mga tao na labag sa kasunduan namin sa ibang nilalang. Nang matagpuan at malaman din namin na may ibang nilalang na maaaring manakit sa mga tao bukod sa demdra ay agad kami nakipagsundo. Pumayag lamang sila dahil sa kapangyarihan ni Kuya Azrael." paliwanag ni Ginoong Deseo.
"Ano ang po ang kasunduan niyo?" tanong ulit ni Hazel.
"Nagkasundo kami na hindi namin papakelaman ang isa't-isa at kung sakaling may lumabag man ay kamatayan ang parusa." sagot ni Ginoong Deseo kaya napalunok kami.
"Iyon po ba yung nilabag ng mga tao?" tanong ko naman at tumango si Ginoong Deseo.
"Kupido anong silbi mo rito? Ikaw naman magpaliwanag." sabi ni Ginoong Deseo sa kapatid.
"Ano naman ipapaliwanag ko?" tanong nito sa kapatid.
"Ako na nga lang!" sabi ni Ginoong Deseo.
"Hindi pa kami sigurado kung sino ang may kagagawan pero sinabi na namin sa mga reyna ang nangyayari." paliwanag ni Ginoong Deseo.
"Dahil nandito na kayo mga binibini, maaari ba kayo muna ang mag-imbestiga? Magpapahinga lang kami saglit dahil apat na kaharian ang iniimbestigahan namin." nakangiting sabi ni Ginoong Deseo.
"Hindi 'yan ang plano natin, Kuya Deseo." sabi ni Morpheus na kakababa lang.
"Hahatiin natin sa dalawang grupo ang mga binibini para mapabilis ang pag-imbestiga natin." sabi ni Morpheus.
"Oy! Bakit nagdesisyon kayo na hindi man lang sinasabi samin? Kami magdedesisyon!" protests ni Akira.
"Hindi kayo sang-ayon sa plano namin?" tanong ni Morpheus at agad umiling si Akira.
BINABASA MO ANG
The Other World
FantasiAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...