RIN P.O.V
Sabay sabay silang umatake tatlo kaya umiilag lang ako.
Masyadong masikip yung pwesto namin. May mga tao rin dito sa loob ng bahay kaya hindi ko magamit ng husto yung magic ko. Ang kaya ko lang gamitin ngayon ay ang physical strength ko pero hindi ako makalapit sa kanila.
Tumakbo ako palapit sa babae pero ginamit niya yung water magic niya kaya umilag naman ako.
Sinubukan kong gamitin ang Forest magic ko para itali silang tatlo pero natanggal lang nila agad 'yon.
Ayokong gamitin ang Earth magic ko dahil baka masira yung bahay, andito pa sa loob ng bahay ang mga tao.
Anong oras ba dadating si Ginoong Kupido?
Bigla naman nakawala si Morpheus mula sa magic ko.
"Diba sabi ko huwag kang gagalaw?!" sabi ko sa kaniya. Kailangan pa rin niya magpahinga. Nagamit na niya ng husto ang magic niya.
"Binibining Rin, kunin mo si Binibining Hazel at siguraduhin mong ligtas kayo pareho." sabi ni Morpheus.
"At iiwan kita dito? Hindi pwede!" sigaw ko kay Morpheus.
"Gagamitin ko ang mahika ko, maaari kayong madamay ni Binibining Hazel kapag ginamit ko 'yon. Lumayo lang kayo sakin." utos niya.
Nagdadalawang isip naman ako. Kung gagamitin niya pa yung magic niya baka may mangyaring hindi maganda kay Morpheus.
Tsk, wala rin naman akong magagawa sa mga diwata na 'yan.
Agad naman akong lumapit kay Hazel at tinanggal siya sa pagkakatali sa halaman. Sinubukan ko siyang buhatin at lumayo kay Morpheus na nakikipaglaban ngayon.
Bakit ba ang tangkad at ang bigat ni Hazel?
Nang makalayo layo na kami kay Morpheus ay nag-iba ang awra ni Morpheus kaya napalunok ako. Kahit tignan ko lang yung awra ay natatakot na ako.
Bigla naman huminto sa pag-atake ang mga diwata at biglang natulala. Maya maya ay bigla silang nagsigalaw na parang may iniiwasan. Nakatayo lang si Morpheus at nakatingin lang sa kanila.
Nagtagal 'yon ng halos 20 mins bago nawalan ng malay ang mga diwata dahil sa pagod. Bigla naman natumba si Morpheus kaya agad akong napatakbo.
"Morpheus!" sinalo ko agad ang ulo niya pagkabagsak niya.
Mukhang nawalan ng malay si Morpheus.
Tinignan ko ang paligid ko at halos hindi ko na alam kung anong parte 'to ng bahay.
"Magandang umaga, Binibini." napatingin naman ako sa nagsalita at agad na nagulat.
May isang lalaking naka maskara ang lumilipad at huminto sa pwesto namin ni Morpheus. Makikita mo lang ang kanan mata niya.
"G-ginoong Azrael?" nauutal na tanong ko.
"Mabuti naman at naalala mo pa ako, binibini." sabi niya at tumingin sa paligod at napahinto sa mga diwata.
"Ang mundong 'to ay nagkakagulo." sabi niya at naglakad palapit sa mga diwata at tinignan ang mga 'to.
Huh? Nagkakagulo?
"Kuya Azrael?" napatingin agad kami kay Ginoong Kupido.
Bakit ngayon ka lang dumating?
Kasama niya si Leo at ang mag-ama. Agad naman lumapit si Leo kay Hazel na walang malay ngayon.
"Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka? Bakit ka naparito?" tanong ni Ginoong Kupido sa kuya niya at naglakad palapit sa kaniya.
"Masyadong matagal ang pagi-imbestiga niyong tatlo. Kaya nag-imbestiga rin ako." sabi ng kuya niya na ikinagulat niya.
BINABASA MO ANG
The Other World
FantasyAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...