18

53 3 1
                                    

Naglalakad na kami papalabas ng palasyo habang nagbabangayan pa rin sila Hazel at Kevin. Pero napahinto kami ng makasalubong namin si Ron. Anong ginagawa niya dito? Mukhang hinihingal din siya. Agad siyang napatingin sakin at lumapit agad sakin. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang parehas kong balikat.

E-eh? Anong nangyayari? Bakit nandito siya?

"Ngayon ka lang dumating?" rinig kong sabi ni Akira.

"B...Binibining...Rin...kamusta ang iyong...pakiramdam?" hinihingal na tanong niya. Kasama ko nga pala siya pumunta dito kahapon at hindi pala ako bumalik sa Shisakilzen.

Ngumiti naman ako bago sumagot.

"Ayos lang ang aking pakiramdam. Susunduin namin si Reina ngayon at pupunta sa kaarawan ng isang Royalty ng Ihyopa, gusto mo ba sumama?"aya ko sa kaniya at tumango tango lang siya. Binitawan naman na niya ang balikat ko.

Nagsimula na kami ulit maglakad papunta sa labas ng palasyo. Agad namin nakita si Jason na nagaantay doon. Agad siyang nagbigay galang samin.

"Jason, kaya mo bang ihatid kami sa Miaguazu?"tanong ni Hazel at tumango lang si Jason.

"Kung ganon ay maaari mo ba kaming ihatid doon?" tanong ulit ni Hazel at tumango lang ulit si Jason. Nagtransform ito sa isang...malaking...lion. Agad ako napakapit kay Akira. Nagtranform na rin si Chiko sa malaking aso. Pero nakatitig pa rin ako sa malaking lion. Feeling ko kaya na niya akong kainin ng buo tapos deretso lunok.

"Kaming tatlo nila Rin ay sasakay kay Chiko kayong dalawang prinsipe kay Jason."saad ni Hazel. Pero nakakapit pa rin ako kay Akira. Tumingin naman si Hazel kay Chiko.

"Kaya mo ba, Chiko?" tanong ni Chiko at tumango lang siya. Yumuko siya na para bang sinasabi niya na sumakay na kami. Ako ang unang sumakay, sumunod si Akira at huli si Hazel. Nang naging komportable na kaming tatlo sa posisyon namin at mukhang ayos na din sila Ron sa kabila ay nagsimula ng tumakbo ng mabilis si Chiko at Jason.

Kumapit lang ako ng maigi kay Chiko dahil sakin nakasalalay ang buhay namin tatlo nila Akira. Kapag ako bumitaw tigok kaming tatlo.

Maya maya din ay huminto na si Chiko at nasa tapat na kami ng palasyo ng Miaguazu. Di katulad dati na may nakaabang na mga katulong upang i-welcome kami ngayon ay wala. Siguro dahil hindi nila alam na dadating kami. Pagkababa namin ay nagbago ang suot ko. Ako lang pala hindi naka gown saming tatlo.

Nag-anyong tao na si Chiko at Jason. May mga gwardiyang naglilibot at agad na nakita kami. Agad silang nagbigay galang samin bago lumapit samin.

"Mga Binibini at Prinsipe Ron at Prinsipe Kevin, ipagpaumanhin niyo kung hindi namin kayo sinalubong sa inyong pagdating. Hindi namin alam na kayo ay dadating." nakayuko at parang takot na sabi ng gwardiya.

"Ayos lang, asan si Reyna Angelika at Reina?" tanong ni Akira. Umayos naman ng tayo ang mga gwardiya bago sumagot.

"Amin kayong ihahatid kay Reyna Angelika." saad ng gwardiya.

"Hindi na kailangan, ako na ang maghahatid sa kanila kay Ina."tinignan namin kung sino ang nagsalita. Ang prinsipe ng Miaguazu, sa apat na prinsipe na kilala ko ay siya ang pinaka matino at mabait sa apat. Naka knight suit siya. Kakatapos lang ba ng training niya?Ngumiti ang prinsipe ng makita niya kami narinig ko naman na palihim na tumili si Akira sa likod ko.

"Omg! Ang gwapo ni Aizen, noh, Hazel, Rin? Dapat ganto din mukha at ugali ni Lei,eh. Takte nabadtrip tuloy ako bigla nang maimagine ko mukha ni Lei, eww." rinig kong bulong ni Akira samin. Napabuga naman ako ng hangin.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon