81

30 5 0
                                    

Foudre family, in-explain ni Hazel sa amin kung sino ang pamilyang iyon noong wala pang malay si Akira.

Ang pamilyang iyon ay naninirahan sa kaharian ng Ningkahaze. Bukod kila Reyna Ann ay isa rin silang pamilya na malakas ang impluwensiya sa kaharian. Katulad ng mga Royalty at ng mga nakatira sa palasyo ay iisa lamang ang mahika nila. Iyon ay ang Lightning magic.

Ang dami pa nga raw nagsasabi na maaari silang gumawa ng ikalimang kaharian kung gugustuhin nila.

Ang sabi rin ni Hazel sa amin ay maaaring mahati sa dalawa ang Ningkahaze kung sakaling lumala ang nangyayari o kaya ay mapalitan ang namumuno sa kaharian ng Ningkahaze.

Maraming tao ang mas pabor sa pamilyang Foudre kaysa kila Reyna Ann na galing sa ibang mundo.

.
.
.

Matapos ang pagpapahinga at pagpapagaling ni Akira ay makikita mong nagkakagulo sa labas at loob ng palasyo dahil sa event bukas.

Yes, may event bukas at ang star ng event ay si Akira. Sa pagkakaalam ko ay tutol ang mga reyna at prinsipe, hindi ko alam paano nakumbinsi ni Hazel ang mga ito.

"Sigurado ka bang ayos na ang pakiramdam mo?" tanong ko kay Akira na pinapraktis ang magic niya ngayon.

Hindi ko matatawag na praktis 'yon, parang pinaglalaruan lang nito ang magic niya.

"Yes, ayos na ako at hindi mo kailangan mag-alala, Rin. Magiging maayos lang din ako bukas." nakangiti nitong sabi.

Paanong hindi ako mag-aalala, eh kagagaling mo lang at lalaban ka agad bukas.

"Alamin mo na lamang ang susunod na'tin pupuntahan at yung mga details kay Morpheus imbes na mag-alala ka sa'kin."

"Binigay at nasabi na rin ni Morpheus samin."

Pagtapos ko sabihin iyon ay hindi na kami nagsalita pa at pinanood ko lang si Akira sa ginagawa niya.

~KINABUKASAN~

Naglalakad kami ngayon tatlo nila Hazel sa kung saan man. May ngiti si Hazel sa labi nito at may bitbit rin siyang tatlong popcorn at may salamin pa ito.

Saan galing yung popcorn niya?

Nakarating kami sa malawak na lugar. Nanlaki ang mata ko sa lawak. Para itong baseball field sa lawak o mas malawak pa 'to.

Katulad sa baseball field ay may nakapalibot na pagu-upuan ang mga manonood.

Umakyat kaming tatlo at sinundan lang namin si Hazel nakarating kami sa isang napakataas na pwesto at may tatlong upuan doon. Ang upuan ay may hawig sa upuan ng mga Reyna.

Agad nagbago ang suot namin at naging gown ito. Hindi na namin iyon pinansin at umupo agad sa upuan. Sa gitna umupo si Hazel at binigay nito ang popcorn na hawak niya samin ni Rei. Inabutan din niya kami ng salamin.

"For protection." sabi niya habang inaabot 'yon.

Protection? Protection saan?

Hanggang ngayon ay wala akong idea sa event na mangyayari. Ang alam ko lang ay star ng event si Akira.

Sa itaas ng pwesto namin ay ang apat na Reyna at hari kasama ng mga prinsipe.

Unti-unting napupuno ang mga lugar. Bigla naman ako kinabahan sa mangyayari kaya tinanong ko na si Hazel.

"Hazel, paki explain nga ang mangyayari."

"Sorry, nakalimutan ko i-explain sa inyo dahil na excite ako." natatawang sabi niya.

"Etong event na ginawa ko ang mag de-determine kung sino ang mamumuno sa kaharian ng Ningkahaze." agad ako nagulat sa sinabi niya pero medyo ine-expect ko na rin 'yon.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon