96

32 3 0
                                    

Akira P.O.V

Naglalaro lang ako ng mga blocks sa kwarto ko dahil sa sobrang bored ko. Laruan 'to ni Nacy pero since wala naman siya ako na naglaro para sa kaniya. Ilalagay ko na dapat ang last block sa pinaka tuktok nang biglang may kumatok. Nalaglag ko ang block na hawak ko dahil sa gulat at tumama iyon sa blocks na naayos ko at gumuho ito.

Tinignan ko ng masama ang taong pumasok sa loob ng kwarto ko pero napalitan agad iyon ng pagtataka nang makita ko si Reyna Ann.

"Reyna Ann? May kailangan ka ba?" tanong ko habang dahan dahan bumaba sa hagdan. Sinuot ko ang tinanggal kong sapatos at tumingin muli kay Reyna Ann.

Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya pero mukhang...bad mood siya?

May inabot ito sa aking envelope at taka ko naman kinuha iyon.

Binasa ko ang nakasulat sa envelope at agad napangiti nang mabasa ko ang pangalan ni Hazel.

"Ang sulat ay galing kay Binibining Hazel. Si Prinsipe Kevin ang nag-abot ng sulat." saad ni Reyna Ann at tumango tango na lang ako habang binubuksan ang envelope.

Nagtaka pa ako saglit kung bakit bukas 'yon pero di ko na lang 'yon inintindi. Baka hindi na seal masyado ni Hazel.

Nakangiti kong binasa ang sulat at nang mabasa ko ang unang salita ay agad nawala ang ngiti ko. Patuloy kong binasa ang sulat at halos magdugtong na ang kilay ko dahil do'n.

Nang matapos ko basahin ang sulat ay hinawakan ko ito nang mahigpit at nayukot ang papel. Nanginginig din ang kamay ko dahil sa inis.

"HUH?! AKO BA PINAGLOLOKO MO?!" inis na sigaw ko at akmang sisigaw pa ulit nang biglang lumiwanag ang papel kaya naipikit ko bigla ang mata ko.

Don't tell me nilagyan ni Hazel ng bomba 'to?!

[Akira, $()#,?*!="#¥|√β√β¢α£[%•&®π{'√]

Bigla naman ako napatulala sa papel nang marinig ko ang boses ni Hazel at ang mga sinasabi nito.

Nang mawala ang liwanag ay naging buhangin ang papel at dumulas ang mga iyon sa palad ko. Hinayaan ko lang sila mahulog sa sahig habang pina process ko ang sinabi ni Hazel.

"Si Binibining Hazel iyon, tama ba?" tanong ni Reyna Ann. Andito pa rin pala siya, kala ko umalis na siya. Tinignan ko lang siya.

"Anong sinabi niya, Binibining Akira?" tanong niya muli at bigla naman napataas ang kaliwang kilay ko sa inis.

"Mukha bang alam ko? Narinig mo ba kung anong lenggwahe ginamit niya? Alam mo ba kung ilang language ang ginamit niya? Apat. APAT! Mandarin, Nihonggo, Hangul at Spanish. Mukha bang alam ko kung ano ang sinabi niya?!" inis na sigaw ko at mukhang nagulat siya sa biglaang pagsigaw niya.

"That b*tch... GUSTO LANG NIYA IPAMUKHA SAKIN NA MAGALING SIYA! I HATE HER!" sigaw ko at tumakbo papunta sa higaan ko. Nag dive ako roon at sinubsob ang mukha ko sa mga unan.

"Binibining Akira, kailangan-"

Inangat ko ang ulo ko at tinignan ng masama si Reyna Ann.

"Get lost. I don't care kung reyna ka o whatsoever. Just...shoo shoo." pagpapalayas ko sa kaniya at muling binaon ang mukha ko sa unan.

"AAAAAAHHHHHH" sigaw ko habang nakabaon ang mukha ko sa unan. Sinipa sipa ko pa ang paa ko sa ere dahil sa inis.

Patuloy kong minumura si Hazel habang nakabaon ang mukha ko sa unan.

Maya maya rin ay narinig ko ang pagsara ng pinto. Sinilip ko ang paligid para makasiguradong wala na talagang tao. Nang hindi ko na makita ang anino ni Reyna Ann ay napaupo ako sa higaan ko at muling inisip ang sinabi ni Hazel.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon