105

40 3 0
                                    

Tahimik lamang nakatingin si Hazel sa maputla at nakapikit na mata ni Niwe. Hinayaan niya lamang tumulo ang luha niya sa pisngi niya. Ramdam ni Hazel ang mahikang dumadaloy sa kaniya at umiinit din ang katawan niya ngunit hindi niya ito pinansin.

Nasa bisig niya si Niwe ngayon. Wala na ang kalahating katawan ni Niwe na dahilan ng pagkamatay ng Ginoo.

Nangyari ito kay Niwe dahil sinalo nito ang itim na mahika ni Venize na para kay Hazel. Nakikipaglaban si Hazel at Leo kay Venize nang biglang dumating sila Reyna Vanice kasama si Kevin.

Umpisa ay unti-unti nilang natatalo si Venize at nang akala nilang natalo na nila ito dahil hindi na gumalaw si Venize sa pwesto niya ay naka hinga nang maluwag sila Hazel. Kaya itinuon niya ang atensyon niya kila Reyna Vanice at pinaliwanag ang nangyari.

Ginamit naman ni Venize ang pagkakataon na iyon upang ibato ang itim na mahika. Hindi nila agad naramdaman ang mahika na iyon at hindi agad sila naka react. Huli na para umiwas pa si Hazel kaya't tinulak siya ni Niwe palayo at sinalo ni Niwe ang mahika ni Venize. Iyon ang naging dahilan kung bakit nawala ang kalahating katawan ni Niwe.

Hinaplos ni Hazel ang maputlang pisngi ni Niwe at mas lalong tumulo ang luha niya nang maramdaman nito ang lamig ng balat ni Niwe.

"Binibining Hazel!" sigaw ni Kevin ngunit hindi siya pinansin ni Hazel.

Tatlo silang nakikipaglaban kay Venize. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang itong lumukas at sinusubukan tumakas mula sa kanila. Gusto man ilabas ni Reyna Vanice ang buong lakas niya ngunit natatakot siya na baka hindi pa naililikas lahat ng tao at baka madamay ang mga ito sa mahika niya.

"Argh!" daing ni Kevin nang tumilapon ang katawan niya dahil sa pagsipa ni Venize sa kaniya. Tumama ang likod nito sa malaking puno.

"AHAHAHAHA!" biglang tawa ni Venize habang nakatingin kay Leo at Kevin na dumadaing sa sakit. Kita rin niya ang hinihingal na Reyna.

Lumipad ito paitaas habang tumatawa.

"AHAHAHAHA! PAALAM REYNA NG IHYOPA! Hindi ko man nagawa ang misyon ko ngunit..." ibinaling nito ang atensyon niya kay Hazel na tahimik na umiiyak habang nasa bisig ang kalahating bangkay ni Niwe. Mas lalong napangiti si Venize dahil sa emosyon na ipinapakita ni Hazel.

"Paalam na, hanggang sa muli!" kumaway pa si Venize kila Reyna Vanice at akmang susugod na si Reyna Vanice sa Demdra nang mapahinto siya. Huminto rin si Venize at dahan dahan lumingon sa likod niya.

May mga pana na gawa sa apoy ang nakapalibot sa kaniya. At agad ito umilag nang sabay sabay lumipad sa pwesto niya ang mga ito. Ngunit sinundan siya ng mga pana nang lumipad siya papalayo.

Tumama sa kaniya ang lahat ng pana at akala mo ay may fireworks sa kalangitan dahil sa nangyari.

Dahan dahan inilapag ni Hazel ang katawan ni Niwe sa lupa. Mas lalo naman napadaing si Leo dahil sa mahikang dumadaloy sa kaniya. Sinusubukan tanggapin ng katawan niya ang mahika at kapangyarihan ni Hazel.

Nanlalaki ang mata nakatingin si Reyna Vanice at Kevin kay Hazel nang unti-unting magbago ang itsura nito.

Ang straight na buhok ni Hazel ay humaba at umabot hanggang tuhod niya at naka braid ang buhok nito. Ang kalahating buhok niya ay kulay pula na kasing kulay ng dugo pati na rin ang kulay ng mata nito.

Biglang naging croptop na turtle neck at sleeveless ang damit nito na kulay itim. Ang kulay red na asymmetrical na palda niya ay maikli sa kanan na aabot lamang hanggang kalahati ng binti niya at mahaba naman papunta sa kaliwang binti niya na lumagpas kaonti sa tuhod niya. May design din na gold sa magkabilang bewang nito na may symbolo ng kaharian ng Ihyopa.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon