118

18 3 1
                                    

Naging tahimik saglit ang paligid at binasag lamang iyon ni Binibining Liria nang sumigaw ito.

"Hindi. Hindi. HINDI! HINDI TOTOO ITO! HINDI! HINDI!" lahat kami ay nagulat sa biglaang pagsigaw nito.

"Uhh-Uwaaaahhh aahhh" bigla rin umiyak ang sanggol na nasa bisig niya. Niyakap naman niya iyon nang mahigpit at masamang tumingin sakin.

Napansin ko ang pamumula at galit sa mata niya.

"Binibining Liria, kumalma ka muna." sabi ko sa kalmadong boses ngunit hindi niya ako pinakinggan.

"Masama bang maging masaya kami ng anak ko? Masama bang bigyan ko ng masayang buhay ang sarili kong anak?! Totoo naman na may nangyari samin ni Prinsipe Leizyl! Bakit hindi niyo matanggap iyon?!" sigaw nito sakin.

Hiningal ito dahil sa pagsigaw sakin at mas lalo lamang lumakas ang iyak ng sanggol.

Magsasalita dapat si Hazel ngunit pinigilan ko siya. Wala sa tamang wisyo si Binibining Liria dahil siguro kapapanganak lamang niya. Dahil sa pangyayari at ginawa namin ni Hazel ay hindi naging maganda ang pakiramdam niya.

Mali ba na ginawa namin 'to ni Hazel sa oras na nanganak siya?

Napatigil naman ako sa paghinga at nanlaki ang mata ko ng biglang umiyak si Binibining Liria at unti-unting napaluhod sa sahig habang bitbit ang sanggol.

"*sob* Kahit kailan, hindi naging maganda ang buhay ko *sob*. Sa murang edad pa lamang ay binebenta ko na ang katawan ko para lamang mabuhay. *sniff* Kahit kailan, hindi niyo maiintindihan iyon. Hindi niyo maiintindihan ang paghihirap na dinanas ko! Dahil nang tumuntong ang mga paa niyo sa mundong 'to, may nakalaan na masaganang tadhana para sa inyo! May masarap kayong pagkain araw-araw! May mga naninilbihan sa inyo! Hindi niyo na kailangan magkayod ng husto para lang may mailagay kayo sa sikmura niyo!" sigaw niya muli.

Mas lalo itong hiningal at mas lalong humihigpit ang yakap niya sa anak niya. Nag-aalala ako sa sanggol dahil lumakas ang iyak nito.

Napakagat ako sa bibig ko dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin. Ayoko lumapit kay Binibining Liria dahil baka mas lalo pa itong mag hysterical.

Hindi muna dapat namin ginawa ito ni Hazel. Inantay muna dapat namin gumaling o maging maayos ang kalagayan ni Binibining Liria bago namin gawin ito. Masyado kaming nagmadali ni Hazel. Dahil sa desisyon namin-

Natigil ang pagiisip ko nang lagpasan ako ni Akira at naglakad palapit kay Binibing Liria. May bitbit itong puting kumot.

Masama ang tingin ni Binibining Liria kay Akira habang papalapit ito ngunit hindi siya sumigaw o ano man. Tinignan lamang niya si Akira habang naglalakad palapit.

Nang nasa tapat na si Akira ay lumuhod ito at pinatong niya sa balikat ni Binibing Liria ang kumot at kinumutan siya.

"Yukio Mirai." biglang saad ni Akira at halos lahat kami ay nagtaka sa sinabi niya.

"Iyon ang magiging pangalan ng sanggol. Yukio Mirai." saad niya muli at hinawakan ang braso ni Binibining Liria at dahan dahan iyon binaba upang makita ang sanggol.

"Inaasahan ko na lalaki ng maayos ang bata para matulungan ang susunod na uupo sa trono." saad niya muli na mas lalong nagpagulo sa amin.

Hinaplos ni Akira ang pisngi ng sanggol pagkatapos ay tumayo at humarap sa amin.

"Atin bigyan ng oras makapagpahinga si Binibining Liria. Kapag maayos na ang kalagayan niya ay shaka natin pagusapan ang tungkol dito." saad niya sa ma-awtoridad na tono.

"Wala naman tututol sa desisyon na ginawa ko, diba?" tanong niya at wala naman sumagot.

Paano kami sasagot, eh hindi nga namin alam ang tinutukoy mo.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon