65

30 3 0
                                    

Halos limang araw na ang nakakalipas matapos mangyari 'yon. Nagensayo lang ako ng magic ko at ginawa ko ang kailangan kong gawin. Paminsan minsan ay nakikipag sparring ako kay Neil or kaya kay Morpheus. Bumibisita rin ako kay Arnel at Nacy pero hindi ako nagtatagal dahil parang ayaw ni Arnel na nandoon ako ng matagal. Ang mga kapatid naman ni Neil ay may sarili ring kwarto pero kadalasan ay nasa bahay sila ng Mahal na Prinsesa. Hindi naman na bo-bothered si Prinsesa Ysabelle sa kalagayan ng mga kapatid ni Neil tuwing nakikilaglaro ang mga ito kay Aurora.

Napahinto ako sa pagsusulat at napatingin sa labas.

Nag-aalala ako kila Arnel at Nacy ngayon. Halatang iniiwasan ako ni Arnel at minsan ay pinagbabawalan din ako ni Morpheus lumapit kay Arnel dahil sa utos niya.

Napabuntong hininga naman ako. Hanggang ngayon ay walang balita sa lunas sa lason. Ni hindi ko rin alam paano ko tatanggalin ang barrier. Hindi ko rin matanong kay Reyna Gladice dahil baka magalit siya kapag tinanong ko 'yon.

Ni isang mission na binigay samin ni Ginoong Azrael ay hindi namin matapos tapos. Sa dami ba namang nangyayari, eh.

*tok**tok**tok*

Pinatuloy ko sa loob ng kwarto ang taong kumakatok. Nagtaka naman ako dahil ang pumasok ay si Chiko.

"Binibining Rin, kayo ay pinapatawag ng Mahal na Reyna." saad ni Chiko habang nakayuko.

May kailangan ba si Reyna Gladice?

Tumayo ako at sumunod kay Chiko papunta sa opisina ni Reyna Gladice. Pagpasok namin sa loob ay agad akong yumuko sa kaniya.

"Maupo ka muna, Binibining Rin." sabi ni Reyna Gladice at tinuro ang isang upuan. Naka knight suit siya ngayon.

May inabot siyang papel at nakasulat 'yon sa baybayin. Binasa ko naman ang nakasulat habang pinapakinggan ang sinasabi ni Reyna Gladice.

"Hindi pa namin tuluyan nahahanap kung nasaan ang kuta ng mga Demdrang dumadakip sa mga tao. Ngunit may mga ilang lugar na rin kaming tinitignan kung andoon ba sila ngunit lahat ng pinadala ko sa bawat lugar ay nawala. At mas lalong dumadami ang nawawalang tao sa bawat lugar." paliwanag ni Reyna Gladice.

Nakasulat sa papel ang mga bayan at katabi nito ay mga numerong nawawala na mga tao. Mukhang mas tumaas pa ang nawawala.

"Kaya gusto namin na pabalikin kayo agad apat sa bawat bayan na 'yan. Mag focus kayo sa pagi-imbestiga sa mga bayan habang susuriin namin ng personal ang mga lugar na pinaghihinalaan namin na kuta ng Demdra." dagdag ni Reyna Gladice.

"Posible po ba na ipakalat ang mga knights sa buong kaharian?" tanong ko. Nagtaka si Reyna Gladice sa tanong ko.

"Maaari, Binibining Rin, ngunit dahil sa mga pinadala ko rin na knights upang mag-imbestiga sa kinaroroonan ng mga Demdra ay hindi na rin nakabalik dito." paliwanag ni Reyna Gladice.

Nanghingi naman ako ng mapa kay Chiko at binigyan naman niya ako. Nilatag ko 'yon sa lamesa ni Reyna Gladice.

"Ano po bang lugar ang una namin pupuntahan?" tanong ko kay Reyna Gladice.

"Dito." tinuro niya ang isang lugar sa Ihyopa.

"Kung gano'n ay maaari niyo po bang sabihin kay Reyna Vanice na ipakalat ang mga knights banda dito at dito rin po." sabi ko at tinuro ang mga nakapaligid sa bayan na pupuntahan namin.

"Maaari naman, Binibini pero bakit?" takang tanong ni Reyna Gladice.

"Nitong mga nakaraan araw ay nag focus po ako sa magic ko at may nadiskubre po akong isang bagay." nilahad ko ang kamay ko at gumawa ng bulaklak gamit ang magic ko.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon