Dinilat ko ang dalawang mata ko. Tinatamad ako bumangon at pagod ang buong katawan ko. Napagod ako kagabi. Andaming kaguluhan ang nangyari kagabi. Pero mukhang alam ni Reyna Gladice na may relasyon si Ron at Aylene. Kala ko ba tago? Bakit alam ni Reyna Gladice? Well, hindi naman talaga ako sure kung alam na ng Reyna.
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Kulang ako sa tulog. Hindi ko alam kung anong oras kami natulog ni Akira. Pero napakadami naming ginawa kagabi. Una, inayos muna ng mga naninilbihan etong kwarto. Pangalawa, panay reklamo ni Akira na gutom na siya at ang hirap niya ilipat, kung hindi pa tumulong yung mga guwardiya hindi namin siya malilipat. Pangatlo, pagtapos namin kumain ni Akira, nilagyan namin ng yelo ang paa niya. Ako na naglagay baka ano pa gawin ni Reyna Gladice,eh. Sinigurado ko na nabawasan yung sakit na nararamdaman ni Akira bago kami natulog. At ang pinaka huli, matutulog na nga lang kami lahat lahat sinermonan pa kami ni Chiko. Dahil hindi kami nag-iingat kaya nadidisgrasya kami.
Napabuntong hininga na lang ako at sinubukan matulog ulit.
"Rin? Di ka pa gising?" rinig kong tanong ni Akira. Halata sa boses niya na pagod na siya.
Umikot ako sa kabila at nagkatinginan kami ni Akira.
"Gising na, tinatamad lang tumayo." sabi ko. "Kamusta paa mo?" tanong ko kay Akira.
"Nawala na medyo yung sakit. Siguro konting pahinga pa okay na ako." sabi niya.
Napatingin ako sa ceiling at napabuntong hininga ulit.
"Mukhang wala tayong magagawa sa pangatlong araw,ah." sabi ko. Pangatlong araw na namin at wala pa rin kaming naiisip na paraan paano makabalik. Masyadong na-occupy yung isip ko kagabi. Andami ba naman nangyari, eh.
'Nagtataka ako nung una kung bakit kailangan namin maging susunod na reyna. Pero nang mapunta ako sa kaharian na 'to alam ko na kung bakit. Hindi kami mapupunta sa mundong 'to kung may iba pang pwede maging reyna bukod samin. Kami lang ang pwede maging reyna. At sa kabila na pagtanggi namin, pinagsisilbihan pa rin kami? Bakit kaya?'
Bigla kong naalala yung sinabi ni Akira. Tumingin ako kay Akira na pinipilit ngayon bumangon pero humiga pa rin sa huli.
"Akira." tawag ko sa kanya at tumingin naman siya sakin.
"Anong ibig mong sabihin kagabi? Na hindi tayo mapupunta sa mundong 'to kung may iba pang pwede maging reyna bukod satin?" tanong ko sa kaniya.
"Ahh, 'yun ba. Hindi ko masyadong sigurado kung tama ba ang iniisip ko. Simula nang sabihin sakin ni Reyna Ann, na pumipili ang mundong 'to na susunod na reyna sa mundo natin. Agad akong napatanong sa sarili ko. Bakit sa mundo natin? Bakit hindi sa mundong 'to?" pagkuwento niya. "Isang beses ba nakita mo na si Reyna Gladice kung papaano mamuno sa kaharian na 'to?" tanong niya sakin at agad akong umiling.
"Nang makapunta ako dito ay excited akong makita papaano siya mamuno pero hindi iyon ang pinunta ko dito. Nang makita ko kung papaano mamuno si Reyna Ann sa Ningkahaze ay nagkaroon na ako ng idea kung bakit sa mundo natin pumipili ang mundong 'to. Dahil hindi tayo taga dito at sa tingin ko ay tayo lang...ah basta! Maiintindihan mo din kapag inisip mo." sabi niya at sinubsob din ang mukha niya sa unan. Dahan dahan akong umupo. Nagtaka naman ako sa huling sasabihin niya.
"At pakiramdam ko mas malilinawan tayo kung babasahin natin ang diary ng mga Reyna. Asan pala yung librong kinuha mo sa library?" tumayo ako at inabot sa kanya ang libro na kinuha ko sa library. Umupo ako sa higaan niya at pagkatapos ay humiga. Malaki naman higaan ni Akira kaya ok lang kung gumulong gulong pa ako dito.

BINABASA MO ANG
The Other World
FantastikAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...