120

24 2 0
                                    

Nakahelera ang mga magagarang karwahe papunta sa lugar kung saan gaganapin ang kasal. At iyon ay sa lugar kung nasaan nakatayo ang statue ng unang reyna ng Miaguazu sa gitna ng siyudad sa loob ng glass dome. Walang pari ang magbabasbas sa dalawang ikakasal di tulad sa mundo nila Rin. Dahil ang susunod na reyna ang ikakasal ay ang nakaupong reyna ang magbabasbas sa kanilang dalawa. 

Ang mga tao na dumalo sa kasal ay nakatayo lamang sa gilid at nagbibigay daan para sa paparating na mga karwahe. Pare-parehas sila nag-aantay makita ang mga susunod na reyna. 

Dumungaw naman si Akira sa bintana at agad siya sinaway ni Reyna Ann. 

"Akira!" pagsaway ni Reyna Ann at binalik muli ni Akira ang ulo niya sa loob at bumusangot. Napabuntong hininga naman si Reyna Ann dahil kanina pa hindi mapakali si Akira sa upuan niya. 

"Ang sakit na ng pwet ko, bakit ang tagal ng biyahe natin? Eh ang lapit lapit lang naman" reklamo ni Akira. 

"Pakiusap, Akira. Huwag na huwag kang magsasalita ng ganiyan sa seremonya. Itikom mo ang bibig mo kung maaari." pakiusap ni Reyna Ann at hindi siya pinakinggan ni Akira. Tumingin naman sa baba si Akira kung nasaan ang soul familiar niya at hinimas ang balahibo nito.

"Arthur, nababagot ka rin ba? Gusto mo ba lumipad sa labas?" alalang tanong ni Akira sa soul familiar niya.

Tahimik lamang si Arthur sa binti ni Akira at ang dalawang pakpak nito ay nakatiklop lamang upang hindi maging sagabal sa loob ng karwahe. Ganundin ang sitwasyon ni Raven.

[Ayos lamang ako, Binibini. Hindi mo kailangan mag-alala.]

"Sigurado ka?" alalang tanong ni Akira at tinango tango naman ni Arthur ang ulo nila.

"Paglabas natin mamaya ay pwede kang lumipad saglit para maiunat mo ang mga pakpak mo." naka ngiting sabi ni Akira kay Arthur at hinimas ang ulo nito. Tahimik lamang pinagmamasdan ni Leizyl si Akira sa ginagawa niya.

***

"Paumanhin, Prinsipe Kevin, pero hindi naman ikaw yung ipapakila bakit ka ninenerbyos?" medyo inis na tanong ni Hazel sa katabi nito. 

"Anong ibig mong sabihin, Binibining Hazel? Ipapakilala rin ako bilang susunod na hari..." depensa naman ni Kevin sa sarili niya.

Kinunotan naman siya ni Hazel ng noo, "Ayos lamang kung ninenerbyos ka, huwag mo lang guluhin si Leo." inis na sabi ni Hazel.

Hawak ni Kevin ang buntot ni Leo at paminsan minsan ay pinupulupot at kinukurot niya ito. Kanina pa siya sinasaway ni Hazel ngunit inuulit pa rin nito ang ginagawa niya. 

"P-paumanhin, hindi ko lamang mapigilan." saad ni Kevin at binitawan ang buntot ni Leo. Hinimas himas naman ni Hazel ang buntot ng alaga. 

[Ayos lamang ako, Binibining Hazel.]

"Konting tiis na lamang, Kevin. Malapit na tayo sa destinasyon natin. Mukhang bumaba na rin ang nasa unahan natin, susunod na tayo." saad ni Reyna Vanice at sumilip sa labas ng bintana niya.

***

Huminto na ang unang karwahe at lahat ng mata ng tao ay nasa pintuan lamang ng karwahe at inaantay lumabas ang tao roon. Bumukas ang pinto ng karwahe at unang lumabas ay ang hari ng Ningkahaze at sumunod naman ay si Reyna Ann na inalalayan ng hari. Lumipad naman palabas si Raven at saglit umikot sa ere bago mag landing sa balikat ni Reyna Ann. 

Sabay sabay yumuko ang mga tao nang maglakad ang dalawa papunta sa upuan na nakalaan para sa kanila. Bumaba na rin si Leizyl at hindi inalis ng mga tao ang tingin nila sa babaeng inaalalayan ng Prinsipe bumaba. Hindi maiwasan mamangha ng mga tao sa eleganteng aura ni Akira dahil sa magarang suot at maayos na buhok nito. Napatingala naman ang lahat ng biglang may lumipad din palabas sa karwahe at umikot sa itaas saglit. 

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon