Naglakad kami sa bayan papunta sa bahay ng binata. Gusto raw niya kami pasalamatan ng maayos at inaya niya kami sa bahay niya. Tinanggap naman namin yung imbitasyon niya.
Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang bayan na tinitirahan niya at mukhang normal naman ito. Pero bakit hindi nahanap ito ni Morpheus?
'Morpheus?'
Sinubukan ko gamitin ang Telepathy magic pero hindi nagana. Si Morpheus lang ang kayang gumamit no'n. Hanggang ngayon hindi ko pa 'yon magamit.
Nakarating kami sa hindi kalakihan bahay ng binata. Pumasok kaming lahat doon at para kaming sardinas na nagsisiksikan.
"Morpheus, maging maliit ka nga." utos ko rito at mukhang hindi niya gusto ang idea na 'yon pero sinunod pa rin niya.
Binuhat ko siya at umupo na lang ako sa sahig dahil hindi naman kami kasya sa upuan. Pang tatlong tao lang ang upuan. Nakaupo na sila Hazel, Kevin at Leizyl. Pinatong ko si Morpheus sa hita ko at pinaglaruan ang balahibo nito. Sinamaan niya ako ng tingin.
Bakit ba ayaw mo?
Bumalik ang binata na may dalang kakaonting pagkain at inumin. Kahit pa mukhang normal lang ang bayan na 'to ay mukhang may pinagdadaanan na kahirapan ang mga ito.
Tinignan ko naman ang tatlong bata na nakatingin sa'min. Kumuha ako ng pagkain at inabot 'yon sa kanila.
Nakakain na rin naman ako sa bahay kaya hindi pa ako gano'n kagutom. Gano'n din ang ginawa ni Hazel at Aylene.
Umupo naman kaharap namin ang lalaki. Nakatingala ako sa kaniya since sa sahig ako nakaupo.
Tinignan niya si Hazel bago magsalita.
"Maaari ko ba malaman, Binibini kung paano mo nalaman ang aking mahika?" pagtatanong nito at sumagot naman si Hazel.
"Nabasa ko lamang iyon habang inaaral ko ang aking mahika. 'May mga tao na puti ang mga mata ngunit hindi kayang linlangin ng kahit sino. Ang mahika nila ay kayang tumukoy sa tunay o hindi.' Iyon ang aking nabasa." paliwanag naman ni Hazel at mas lalong napangiti ang lalaki habang nakatingin dito.
"Ang mga may ganitong mahika ay iilan na lamang. Mabibilang mo na lamang ito sa daliri." sabi naman ng binata.
"Kayo noon ay nakatira sa iisang bayan ngunit..." hindi tinuloy ni Hazel ang sasabihin niya nang ngumiti ng malungkot ang lalaki. Bakit? Anong nangyari?
"Maaari ba na kami naman ang magtanong?" bigla naman sumingit si Kevin sa usapan nila. Tumango ang binata sa kaniya.
"Bakit hindi namin makita ang daan papunta rito?" tanong ni Kevin at sumagot ang lalaki.
"Iyon ang hindi ko alam, Ginoo dahil hindi ko kayang makita ang nakikita niyo dahil sa mahika ko."
"Maaari mo ba sabihin sa amin ang iyong nalalaman sa bayan na ito?" tanong naman ni Hazel.
"Matagal na narito ang bayan na ito. Katulad ng ibang bayan sa kaharian ay napapalibutan din ito ng gubat ngunit hindi gano'n kalawak ang gubat kaya't makikita mo rin agad ito sa di kalayuan." pagsagot ng binata.
"May kakaiba bang nangyari sa bayan na ito?" pagtanong ko naman at tumingin sa'kin ang lalaki.
"Hindi ko alam ngunit base sa mga naririnig ko sa ibang tao ay may mga tao raw na naliligaw pagka alis ng bayan at hindi na nakakabalik pa." pagsagot niya.
Kung gano'n walang problema sa bayan na ito pero sa mismong gubat na pinuntahan namin. Pero kahit pa siguro na libutin namin ang kagubatan ay wala kaming malalaman na kahit ano.
![](https://img.wattpad.com/cover/249762317-288-k595263.jpg)
BINABASA MO ANG
The Other World
FantasyAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...