Kinabukasan ay bumalik na kami sa palasyo ng Shisakilzen. Dahil apat ang akademyang pinapasukan namin ay apat na beses rin namin gagawin yung pagsusulit sa bawat akademya. Kailangan natin mag-thank you kay Akira, hayss.
Sila Ron, Aizen at Arnel ay nagpa-iwan sa bayan at sila Kevin at Leizyl ay bumalik na rin sa palasyo upang maghanda sa pagsusulit.
Nag re-review kaming apat ngayon sa kwarto ko. Kahit pa tatlong linggo pa bago ang pagsusulit ay kailangan namin maghanda ng husto, dahil hindi lang naman written test mayroon dito. Mayroon silang magic test, Group test itbp.
"Gutom na ako!" reklamo ni Akira sabay lapag sa sahig ng librong hawak niya.
"Let's take a break." sabi ni Hazel at sinara ang librong hawak niya. Agad naman nag ningning ang mata ni Akira at agad na tumayo.
"Tara na!" excited niyang sabi.
Tinabi ko ang librong hawak ko bago tumayo.
"Mauna na kayo, kukunin ko pa si Nacy kila Jasper." sabi ko.
"Sama kami! Sama kami!" masiglang sabi ni Akira.
"Akala ko ba gutom ka?" tanong ko sa kaniya.
"Tara na!" hindi niya ako sinagot at naunang tumakbo sa labas. Sinundan lang namin siya kahit pa nagkakamali siya ng daan.
Pagkatapos ng halos 1 oras ay nakarating na kami sa bahay ni Jasper. Kung hindi siguro mali mali daan na pinupuntahan ni Akira andito na kami kanina pa.
Nakita kami ng mga guwardiyang nagbabantay sa bahay nila Jasper, agad silang nagbigay galang kaya yumuko rin kami.
"Asaan po si Ja-Prinsipe Jasper?" tanong ko sa kanila.
"Asa loob po, ihahatid po namin kayo kung nasaan ang Mahal na Prinsipe." magalang na sabi nila.
Naglakad na sila at sinundan naman namin sila. Nakarating kami sa isang malaking pinto, mukhang napaka laki ng kwartong 'to, ah.
Kumatok ang guwardiya bago magsalita.
"Mahal na Prinsipe, ang mga binibini ay nandito ngayon." kausap niya sa pinto.
"Maari kayong pumasok!" rinig namin sigaw ni Jasper sa loob ng kwarto.
Pinagbuksan kami ng pinto ng mga guwardiya at pumasok naman kami. Pagkapasok namin ay agad kaming namangha sa loob. Para kaming pumasok sa loob ng green house pero imbes na halaman ang laman ay puro libro.
Library ba 'to?
"Mama!" rinig kong sigaw ni Nacy.
"Mama?" takang tanong nila Akira at Hazel.
Napalingon ako at nakaupo si Nacy sa isang maliit na upuan sa maliit na round table. Katapat niya si Aurora at mukhang naglalaro silang dalawa dahil parehas silang may hawak na manika. Terno rin ang suot ni Aurora at Nacy, akala mo ay kambal silang dalawa.
Lumapit naman ako kay Nacy at agad na binuhat.
"Ipagpaumanhin niyo kung hindi ko kayo agad sinalubong, may ginagawa lamang ako." nilingon ko si Jasper at may hawak itong mga libro.
"Anong libro 'yan?" curious na tanong ni Akira at lumapit kay Jasper.
"Ayos lamang, susunduin ko lamang si Nacy. Maraming salamat sa pag-alaga sa kaniya." nakangiti kong pagpapasalamat kay Jasper.
"Walang-anuman, Binibining Rin." nakangiti rin niyang sabi habang dinedekwat ni Akira yung librong hawak niya.
Bigla naman tumunog yung tiyan ni Akira kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

BINABASA MO ANG
The Other World
FantasiaAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...