4

147 9 0
                                    

Nagsimula na kami kumain. Napansin ko na puro gulay ang ulam namin at wala ni isang karne. May mga prutas din. Nagsimula na sila kumain kaya kumain na din ako. Nakain naman ako ng gulay kaya ayos lang sakin kung ganto yung ulam.

Nang matapos na kami kumain ang mga lalaki na ang naghugas ng mga pinggan.

"Lumabas kayo at may paguusapan tayo." saad ng reyna ng Ihyopa.

Tumayo kami at binitbit itong suot namin at lumakad palabas.

Hinarap kami ng mga reyna kasama ang mga hayop-na-tao.

"Sa ayaw at gusto niyo ay magiging reyna kayo ng bawat kaharian." panimula ng reyna ng Ningkahaze. Napayuko ako ng sabihin niya yon.

"Iyang kwintas na suot niyo ang patunay na tinanggap niyo na ang pagiging reyna ng kaharian niyo." napatingin ako ng sabihin iyon ng reyna ng shisakilzen.

Akmang tatanggalin ko ang kwintas ng magsalita ulit ang reyna. "Kapag nagbago ang kasuotan na suot niyo iyon ay dahil tinanggap niyo ito at ang kapangyarihan ng kwintas."

Tinanggap ko? Paano ko tinanggap? So no choice na talaga ako?

"Pero..." napatingin sila sakin nang magsalita ako. "Ayoko maging reyna." saad ko at nagulat naman sila.

"Tulad ng sabi ko sa ayaw at gusto niyo magiging reyna kayo ng bawat kaharian-" pinutol ko ang sasabihin ng reyna ng Ningkahaze.

"Diba dapat kami ang magdedesisyon kung gusto namin o hindi? Shaka isa pa, bigla lang kami dinala dito...ni hindi nga namin alam kung anong klaseng lugar ito,eh."saad ko. Wala na akong pakielam kung isipin nila na binabastos at hindi ko sila ginagalang pero gagawin ko lahat para makabalik sa mundo-hindi makabalik ulit kay mama.

Bigla kong naalala ang mga ngiti ni mama kahit pa nasasaktan siya sa ginawa ni papa. Na-ikuyom ko ang kamay ko.

"Alam mo ba kung paano makabalik sa mundo natin? May iba ka bang alam na paraan bukod sa maging reyna?" biglang tanong sa akin ng reyna ng Shisakilzen.

"Wala, pero-" pinutol ng reyna ang sasabihin ko.

"Maghahanap ka ng ibang paraan? Kakadating niyo pa lang kahapon. Kami na matagal na nandito walang nahanap na ibang paraan. Tapos sasabihin mo samin na maghahanap ka ng ibang paraan? SA HARAP NAMIN MISMO?!" May halong galit na saad sakin ng reyna.

Pero...mas lalo kong nakuyom ang kamay ko may nagbabadya na rin na luha na gustong kumawala sa mata ko pero pinipigilan ko lang.

"Pero...wala naman mali sa sinabi niya. Diba dapat kami mismo ang magdedesisyon? Bakit ang mundong 'to ang magdedesisyon para samin?" biglang basag ni Akira sa katahimikan.

"Akira, sumasang-ayon ka sa sinabi niya?" biglang tanong ng reyna ng Ningkahaze.

"Oo, sumasang-ayon ako sa kanya." pabalang na sagot ni Akira.

"Ikaw na bata ka! Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo." inis na saad ng reyna ng Ningkahaze. Bigla niyang itinaas ang kamay niya sa ere at may lumitaw na pamaypay.

"Ann! Itigil mo yan-"saway ng reyna ng miaguazu pero pinutol agad ng reyna ng Ningkahaze ang sasabihin niya.

"Kailangan matuto ang batang 'to kung paano rumespeto." seryosong sabi ng reyna.

Nakaramdam kami ng malakas na hangin.

Ano bang nangyayari? Ayoko lang naman maging reyna. Bakit ba bawal tumanggi?

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon