44

50 4 0
                                    

Pagtapos namin sa akademya namin sa ibang kaharian ay agad kaming bumalik sa Shisakilzen.

Habang nasa ibang kaharian kami ay wala kaming narinig na balita tungkol kay Reina. Gising na ba siya?

Pagdating namin ay naglalakad lang kami sa pasilyo ng makasalubong namin si Ron. Tinignan naman niya kami na may pagtataka.

"Jasper? Bakit kasama mo ang mga binibini?" takang tanong niya kay Jasper.

Tinawag lang niya sa pangalan si Jasper? Hindi ba dapat gumagamit siya ng Ginoo?

"Hindi ba nasabi ni Ina sayo o ni Kuya? Nagpapaturo ng mahika sa'kin ang mga Binibini." sagot niya sa tanong ni Ron at nabalik naman ang tingin ni Ron sa'min.

"Kay Jasper kayo nagpaturo? Paano niyo naman nakilala si Jasper?" takang tanong ni Ron samin at tinignan naman namin siya na may pagtataka.

"Sa akademya." pagsagot namin.

"Bakit mo natanong, Prinsipe Ron?" takang tanong ni Hazel.

"Hindi niyo kilala si Jasper?" parang gulat pa niyang tanong sa'min. Napatingin naman kami kay Jasper.

Anong ibig niyang sabihin? Magpapaturo ba kami kay Jasper kung hindi namin siya kilala.

"Ahahaha, hindi ko pa napakilala ng maayos ang sarili ko." napatawa siya at napakamot sa batok niya.

Napabuntong hininga naman si Ron.

"Kaya pala nagtataka sila sa mga tanong ko. Si Jasper ay pinsan ko at isa rin prinsipe sa kaharian na 'to. Siya ang anak ng kapatid ng Ama ko. Ang nag-iisang prinsesa ng Shisakilzen." paliwanag ni Ron at nanlaki naman ang mata namin tatlo.

"PRINSIPE KA?!" gulat na tanong namin tatlo kay Jasper at dahan dahan lang siya tumango.

"Sumama ka sa mga Binibini sa ibang kaharian?" pagtatanong niya kay Jasper at tumango naman 'to.

"Kaya pala hindi kita makita sa akademya." sabi naman ni Ron.

"T-teka lang, isa ka talagang Prinsipe?" hindi makapaniwalang tanong ni Akira at tumango naman si Jasper.

"Tatlong prinsipe ang mayroon ang kaharian na 'to. Ako, si Jasper at ang kuya niya." paliwanag ni Ron.

Kaya pala gano'n na lang kung maka react yung ibang kaharian dahil may kasama kaming prinsipe. Hindi man lang namin alam na may kasama na kaming prinsipe.

"Asaan nga pala si kuya, Ron?" pagtatanong ni Jasper.

Kaya pala hindi nila tinatawag na Ginoo ang isa't-isa kasi parehas silang prinsipe.

"Kailangan ko pa ba sagutin 'yan? Alam mo naman kung nasaan siya." sabi ni Ron.

"Mauuna na ako, kailangan ko pang tulungan si Ina." pagpapaalam ni Ron.

"Mauuna na rin ako mga Binibini, kailangan ko rin tumulong. Mage-ensayo tayo ulit mamaya." paalam niya at tinignan lang namin siya maglakad papalayo.

Naglakad kaming tatlo papuntang kwarto ko para magbihis. Walang naimik sa'min dahil sa nalaman namin.

Alam kong hindi big deal na malaman na prinsipe si Jasper pero kasi...hindi ko alam ngayon kung paano ako aakto kapag kasama siya.

Masyado na rin kami komportable sa kanya dahil masaya siya kasama pero ngayon lang kami nakakilala ng ibang Prinsipe bukod kila Ron. Umaakto lang kami na sarili namin kila Ron pero hindi namin alam paano aakto sa ibang taong makakasalamuha namin sa mundong 'to.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon