Nang nasa labas na kami ng palasyo ay nag anyong hayop si Chiko. Yumuko siya sa harap ko na para bang sinasabi na sumakay ako. Agad naman akong sumakay.
Hindi pa ako nakakapit ng mabuti kay Chiko nang tumakbo ito nang pagkabilis kaya nahulog na naman ako. Napapikit ako at inantay na gumulong gulong yung katawan ko sa lupa. Pero parang nalutang lang ako at hindi lupa ang nararamdaman ko. Dinilat ko ang mata ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Ron. Nakasakay kami sa...dahon? Malaking dahon? At nakahiga lang ako sa harap niya. Dahil sa hiya ay umupo ako.
"Uhm...Maraming Salamat." pagpapasalamat ko at iniwas niya ang tingin niya sakin at tumango lang siya. Ano kaya 'tong sinasakyan namin? Hugis dahon kasi siya at para talagang dahon. Dumungaw ako sa baba at nasa itaas kami ng mga puno lumilipad. Naramdaman kong hinawakan ni Ron ang braso ko kaya tinignan ko siya.
"Huwag ka masyadong dumungaw, baka ikaw ay mahulog." sabi niya at hindi pa rin siya nakatingin sakin. Bakit ba ayaw nila ako tignan? Ganon ba ako kapanget?
"Ano pala itong sinasakyan natin?" tanong ko sa kanya.
"Ito ay ang aking mahika. Isa itong dahon na aking pinalaki at pinalipad." sagot niya sa tanong ko. Namangha naman ako sa sinabi niya.
"Kaya mo palakihin yung mga dahon?!" manghang tanong ko. Mukhang nagulat naman siya sa tanong ko at tinignan niya ako. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. Ehh? Bakit?
"Kaya kong palakihin at paliitin ang kahit na anong parte ng kalikasan. Maaari ko rin itong kontrolin." mas lalo naman akong namangha.
"Woah! Ang galing naman no'n? Anong tawag sa mahika mo? Sabi ni Reyna Gladice na..."di pala nila maiintindihan yung salitang English. "na may pangalan lahat ng mahika sa mundong 'to." tuloy ko sa sinasabi ko kanina.
"Earth magic ang mahika ko. Ang mga kasapi ng Royalty ay Earth Magic din ang mahika." nagtaka naman ako sa sinabi niya. Royalty? Bakit may Royalty dito? At bakit alam niya ang salitang Royalty?
"Ano ang Royalty?" tanong ko kay Ron.
"Sila ay ang kamag-anak namin ni Ama." sagot ni Ron sa tanong ko at napatango tango naman ako.
Dumungaw siya sa baba kaya dumungaw din ako.
"Andoon si Chiko." saad niya at hinawakan ulit ang braso ko at dahil don bumilis ang tibok ng puso ko. Bumaba ang sinasakyan namin na dahon palapit kay Chiko na naka anyong tao at lumilingon lingon.
"CHIKO!" sigaw ko at napatingala naman si Chiko, kinaway ko ang kamay ko.
Nang makababa na ng tuluyan ang dahon na sinasakyan namin inalalayan ako pababa ni Ron. Tumakbo naman ako palapit kay Chiko.
"Mahal na Prinsipe. Binibini Rin." yumuko siya at nagbigay galang samin.
"Akala ko mababalian ako ng buto nung babagsak na ako. " sabi ko at nags-stretch ng katawan. Agad akong tumigil dahil kumirot na naman ang likod. Masakit nga pala likod ko.
"Buti na lang andoon si Ron." nakangiti kong sabi at tinignan si Ron na agad naman iniwas ang tingin sakin.
"Ipagpaumanhin niyo ang aking ginawa Binibing Rin. At maraming salamat Prinsipe Ron." tumango lang si Ron kay Chiko at tumalikod na at sumakay ulit sa dahon.
Tinapik tapik ko naman ang balikat ni Chiko.
"Ayos lang, Chiko." sabi ko.
"Mauuna na ako." pagpapaalam ni Ron at tumango lang ako at nag ba-bye.
Nang makaalis na si Ron ay agad kong kinausap si Chiko.

BINABASA MO ANG
The Other World
FantasíaAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...