RIN P.O.V
Gumising ako ng napakaaga dahil ngayon araw ay tuturuan kami ni Jasper. Ginising ko naman yung dalawang katabi ko. Dito sila natulog sa kwarto ko.
"Mamaya na...inaantok pa ako." nakapikit na sabi ni Akira at bumalik ulit sa pagtulog. Gano'n din si Hazel.
Ang hirap talaga gisingin ng dalawang 'to. Bahala nga kayo d'yan.
Bumangon ako at nagpalit na sa training suit ko. Paglabas ko ng cr ay tulog pa rin yung dalawa at dumating na yung pagkain namin.
Sinubukan ko naman ulit gisingin yung dalawa.
"Inaantok pa ako." sabi ulit ni Akira.
"Kapag kayo hindi pa bumangon bubuhusan ko kayo ng tubig." pananakot ko. Napadilat naman silang dalawa.
"Gigising naman pala kayo, eh. Magbihis na kayo, andito na yung pagkain." sabi ko sa kanila at tumango naman sila.
Nagsalitan sila sa pagligo at pagtapos ay sabay sabay na kami kumain ng almusal namin.
Pagtapos namin kumain ay pinuntahan namin si Reina at tinignan yung lagay niya. Tulog pa rin siya.
Dumeretso naman kami agad sa garden, doon kami magkikita kita ni Jasper.
Pagdating namin doon ay inaantay na niya kami. Nginitian naman niya kami pagkakita niya sa'min. Naka kinght suit siya.
"Magandang umaga mga binibini." bati niya sa'min.
"Magandang umaga, Jasper." bati ko pabalik.
"GINOONG Jasper." pagtatama ni Hazel sa'kin.
"Magsimula na tayo, gusto ko muna makita ang mahika niyo." sabi sa'min ni Jasper. Tumango naman kaming tatlo at pinakita ang magic namin sa kaniya.
"Hmm, mukhang maayos naman ang pag kontrol niyo sa mahika niyo. Sa tingin ko ang problema lang ay ang sentro ng mahika niyo. Ilang beses na kayo nagpraktis?" nagtaka naman kami sa tanong niya.
"Praktis?" takang tanong ko.
"Ang pagtingin sa kakayahan niyo, kailangan niyo muna pakiramdam ang pinaka sentro upang makita ang kakayahan niyo. Hindi niyo pa ba nagagawa 'yon?" tanong niya ulit.
"Isang beses pa lang namin nagawa 'yon." sabi ni Hazel kay Jasper.
"Isang beses pa lang? Kaya siguro hindi niyo pa nakokontrol ang kapangyarihan ng kwintas dahil isang beses niyo pa lang nagagawa 'yon. Hindi niyo lamang makikita ang kakayahan niyo kapag nagawa niyo 'yon. Magiging maayos ang pagdaloy ng mahika niyo sa katawan niyo. Napaka importanteng gawin 'yon." paliwanag niya.
"Iyon na lamang ang gawin niyo sa ngayon. Maaari na kayo magsimula tumakbo." sabi niya.
"Eh? Papatakbuhin mo kami?" pagtatanong ko at tumango naman siya.
"Nalaman ko kay Ina na iba ang paggamit niyo ng mahika. Kailangan niyo muna i-ehersisyo ang pagdaloy ng mahika niyo upang magawa 'yon." paliwanag niya.
"Ano pa hinihintay niyo mga Binibini? Takbo na." naka ngiti niyang sabi.
Sabay sabay kaming tumakbo nila Hazel habang pinapadaloy ang magic current namin. Tinakbo lang namin yung buong garden. Sinisigurado namin na hindi kami naliligaw tatlo.
.
.
.Huminto kaming tatlo sa harap ni Jasper na hinihingal.
"Magaling mga Binibini. Magpahinga muna kayo bago natin tignan ang inyong kakayahan." nakangiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
The Other World
Viễn tưởngAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...