RIN P.O.V
Idinilat ko ang mata ko. Hindi na masakit ang ulo ko at hindi na rin mabigat ang katawan ko. Bumangon naman ako at nahulog yung towel sa ulo ko.
"Buti naman at gising ka na." bigla kong narinig ang boses ni Morpheus. Tinignan ko naman siya at nakaupo siya sa papag tapos sila Hazel natutulog sa sahig.
"Kailangan mo pasalamat si Binibining Rei." sabi naman ni Morpheus kaya bigla akong nagtaka.
"Bakit? Ano pinagawa mo kay Reina?" agad na tanong ko. .
Panigurado may pinagawa 'to kay Reina.
"Sinabi ko sa kaniya na humiling siya sa kapatid ko ng kapangyariham upang tulungan ka. Hindi ko alam kung anong kondisyon ang binigay ng kapatid ko sa kaniya pero satingin ko ay kailangan niyang magpahinga." sabi naman ni Morpheus.
"Kung gano'n umalis ka d'yan at d'yan mo patulugin si Reina. Pinatulog mo ko dito kita mong may sakit ako." sermon ko sa kaniya.
Unalis naman siya doon at binuhat si Reina para ihiga sa papag.
"Ah! Dapat pala pasalamatan mo din sila, nagsalit salitan sila sa pag-alaga sa'yo kagabi." sabi ni Morpheus at tinuro sila Hazel.
Eh? Nagsalit-salitan sila? Nakatulog ba sila ng mahimbing? Syempre hindi, bobo mo talaga Rin.
Pinakiramdaman ko ang katawan ko at mukhang okay na ako.
Napatingin naman ako kay Morpheus dahil naalala ko bigla si Arnel at Nacy.
"Morpheus, asaan si Arnel at Nacy?" tanong ko.
"Asa bahay ni Ginoong Labos." sabi ni Morpheus.
Tumayo naman agad ako at inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko dahil nagulo 'yon.
Lumapit ako sa pinto bago ko buksan 'yon ay inutusan ko muna si Morpheus.
"Morpheus, tulungan mo din sila Leo magbantay ng bayan." utos ko at tumango naman siya.
Lumabas na ako at agad na pumunta sa bahay ni Labos. Kumatok muna ako bago ko buksan 'yon. Nakita ko si Arnel na bitbit si Nacy at nilalaro lang ni Nacy ang mga bagay na nasa paligid niya.
Mukhang hindi ako napansin ni Arnel at nakatingin lang 'to sa sahig. Hindi pa rin niya siguro matanggap na wala na yung lola niya.
Lumapit naman ako sa pwesto nila napansin agad ako ni Nacy at gustong magpabuhat. Binuhat ko naman siya at hindi pa rin ako napapansin ni Arnel.
"Arnel." pagtawag ko pero hindi pa rin niya ako nilingon.
Hindi ko alam kung paano ko ico-comfort si Arnel.
Hinawakan ko ang balikat niya at tinapik tapik 'yon.
"Arnel!" pagtawag ko ulit. Hindi ko nilakasan ang boses ko dahil tulog pa rin si Labos.
Agad naman siyang napatingin sa'kin at wala ng emosyon sa mata niya.
"Arnel, gusto mo bang lumabas muna?" pagtatanong ko. Tumango naman siya at nauna ng lumabas.
Naglakad kami ni Arnel papunta sa punong pinuntahan namin dati. Umupo siya ulit sa ilalim ng puno kaya umupo rin ako katabi niya. Pinatong ko naman si Nacy sa hita ko pero gusto niyang bumaba.
Malinis ba yung mga damo? Syempre hindi.
"Madumi d'yan, Nacy." sabi ko pero gusto pa rin niya bumaba.
Napabuntong hininga naman ako at binaba siya sa flat na bato malapit sakin at naglaro laro lang siya doon mag-isa. Satingin ko kailangan niya ng laruan.

BINABASA MO ANG
The Other World
FantasyAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...