RIN P.O.V
Bago maggabi ay sabay dumating sila Morpheus, Leo, at Jack. Maybitbit silang malaking bag. Pagbukas namin ng bag ay puro damit ulit.
Nilagay naman nila Hazel yung damit nila sa damitan ni Akira. Yung akin daw iligpit ko na lang pagdating namin sa Ihyopa. Yes, aalis na kami ngayon at pupunta na ng Ihyopa. Nakakapagod naman yung ginagawa namin. Palipat lipat kami.
Nagimpake naman si Akira ng damit niya. Yung damit naman daw ni Reina ay nasa Ihyopa na. At lahat daw ng damit namin ay nasa kwarto na ni Reina.
Ano 'to? Kwarto ng isa kwarto ng lahat?
Lilipad lang kami ulit papunta sa kaharian ng Ihyopa. Nakakadalawang araw pa lang ako sa akademya pagod na pagod na agad ako. Hindi pa nga seryoso yung pinag-aaralan namin, eh.
Nang makarating kami sa Ihyopa ay sinabihan namin sila Leo na ihatid na lang yung pagkain sa kwarto ni Hazel dahil gusto namin makapagpahinga agad.
Nang matapos kami kumain ay nagbihis na kami ng pantulog at natulog ng maaga dahil gigisingin din naman kami ng maaga.
~~KINABUKASAN~~
Tulad ng inaasahan ko ay ginising nga kami nila Morpheus ng maaga. Bumangon kaming apat at nagsalit salitan sa pagligo at pagbihis. Dark red yung uniform ng akademya ng Ihyopa. Mukhang makokompleto namin yung uniform ng apat na akademya, ah.
Nang matapos kaming kumain apat ay pumunta agad kami sa labas ng palasyo.
Ang klase daw namin ngayon ay tungkol sa magic. Pinayuhan kami nila Morpheus na kung hindi namin gusto na makilala kami ng mga estudyante ay huwag namin gamitin ang magic namin. Sinabihan na din daw nila yung teacher tungkol sa magic namin apat.
Nakita na namin sila Morpheus at ang karwahe namin. Nanghingi ulit ako ng pera kay Morpheus bago umalis.
.
.
.Nang makarating kami sa akademya ay dumeretso kami sa klase namin. Paano namin nalaman yung klase namin? Nanghingi si Hazel ng mapa ng akademya. Pati sa Miaguzu ay hiningi na rin niya.
Nakarating kami sa isang malaking kwarto. Ang upuan ng mga estudyante ay nasa taas at ang baba naman ay stage. Ano 'to theatre? Akala ko ba magic klase namin, iba ba?
Umupo kami sa harap dahil malabo mata ni Akira. Pero...bigla namin nakita si Kevin at may kausap din 'tong babae kaya agad kaming umalis ng pwesto namin apat.
Napansin naman niya kami.
"Binibining Hazel?" napatigil kaming apat ng tawagin niya si Hazel.
Lumapit naman siya sa'min at sinamaan siya ng tingin ni Hazel.
"Nandito ka ba dahil pinarusahan ka rin ni Reyna Vanice?" agad na tanong ni Hazel. Nabigla naman si Kevin sa tanong ni Hazel. Dahan dahan siyang tumango.
"Kung gano'n ay huwag mo kaming guluhin." sabi ni Hazel at tinaboy si Kevin at nilagpasan siya.
Hinawakan naman ni Kevin ang kamay ni Hazel.
"Bakit parang nanonood tayo ng magjowang nag-aaway?" bulong ni Akira sa'min. Pinatigil ko naman agad si Akira dahil kapag narinig ni Hazel yung sinabi niya yari rin kami.
"May kailangan ka?" mataray na tanong ni Hazel.
"Dito na kayo umupo sa harap, mahihirapan kayo kapag sa dulo kayo uupo." sabi naman ni Kevin.
"Hindi mo kami kailangan intindihin. Pwede kami umupo kahit saan namin gusto." mataray ulit na sabi ni Hazel.
"Huwag na nga kayong mag-away d'yan. Nakaharang kayo sa daan. Dito na tayo uupo sa harap malabo mata ni Rin." sabi ni Akira at nagulat namin ako ng banggitin niya pangalan ko.
BINABASA MO ANG
The Other World
FantasyAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...