104

30 5 1
                                    


Umatras si Reyna Angelika para ilagan ang sipa nito. Ginamit naman ni Jophine ang pagkakataon na iyon upang lumipad palayo ngunit pinulupot agad ni Reyna Angelika ang lubid na gawa sa tubig sa bewang nito.

"Bakit ba atat ka umalis?" tanong ni Reyna Angelika kay Jophine ngunit hindi ito sumagot at sinusubukan tanggalin ang lubid sa bewang niya gamit ang mahika niya.

"Kayo ang unang sumugod kaya bakit hindi niyo tatapusin ang inumpisahan niyo? Bigla na lamang kayo dumating dito at ngayon naman ay gusto niyong umalis? Matapos nang ginawa niyo, satingin niyo ba hahayaan lang namin kayo umalis nang basta basta?" seryosong sabi ni Reyna Angelika at kuminang bahagya ang asul na mata nito.

Hinawakan ni Reyna Angelika ang lubid nang mahigpit pagkatapos ay hinila niya ito. Bumagsak at tumama ang katawan ni Jophine sa lupa kung nasaan si Reyna Angelika at tumalon ito para iwasan ang katawan ni Jophine. Nang bumaba ang katawan ni Reyna Angelika mula sa pagkakatalon ay tumapak siya sa likod ni Jophine na nakabaon sa lupa.

Tumingin si Reyna Angelika sa pwesto nila Reina at Jack. Nakayakap pa rin ito sa soul familiar niya at umiiyak pa rin. Napatitig si Reyna Angelika kay Rei dahil sa nilalabas nitong aura. Hindi mo makikita ang aura nito ngunit mararamdaman mo iyon. Hindi iyon maramdaman ng dalawang lalaki ngunit ramdam ni Reyna Angelika iyon.

'Hindi maaari...kontrolado na ba ni Binibining Rei ang kapangyarihan ng kwintas? Ngunit masyado pang maaga para makontrol niya iyon. Ngunit ang aura na inilalabas niya ay kapareha lamang sa aura ko. Paanong nakontrol ni Binibining Rei ang kapangyarihan ng kwintas?'

Naputol ang iniisip ni Reyna Angelika at napatingin siya sa paanan niya nang gumalaw iyon. Biglang naglabas si Jophine ng itim na aura kaya tumalon muli si Reyna Angelika at lumanding sa tapat nila Reina.

"Aizen, dalhin mo muna si Binibining Rei kung nasaan ang Mahal na Hari. Paniguradong wala ito sa palasyo. Maaaring nasa labas ito ng Shisakilzen." utos ni Reyna Angelika sa anak niya.

May mga itim na patalim naman ang lumipad sa pwesto nila kaya agad gumawa ng blue transparent na shield si Reyna Angelika. Huminto ang mga itim na patalim sa shield at nakatusok ito rito. Nakarinig sila ng 'tick' at agad sumabog ang mga patalim.

Tumalon sila palayo roon at tumingin sa mausok na lugar na gawa ng pagsabog.

"Paano kayo, Ina?" alalang tanong ni Aizen kay Reyna Angelika at bigla naman natawa ito.

"Huwag kang mag-alala sa akin. Magiging ayos lamang ako. Maya maya rin ay narito na si Karin. Inutusan ko lamang siya saglit." sabi nito sa anak niya.

"Umalis na kayo, tumatakas na siya." sabi ni Reyna Angelika at hindi na nito hinintay pa sumagot ang anak at agad nilabas ang lubid niya. Inihampas niya ito sa sahig at pagkatapos ay hinawi niya ito sa usok na nasa paligid. Bahagyang gumalaw ang usok at tumitig saglit si Reyna Angelika sa usok bago tumakbo sa isang direksyon.

Walang nagawa si Aizen kundi sumunod sa utos ng kaniyang Ina ngunit umiling iling si Reina sa kaniya.

"S-sila Akira..." mahina at nagaalalang sabi nito.

"Ang ibang Reyna rin ay dumating na rito kaya huwag kang mag-alala." hindi pa rin nawala ang pag-aalala ni Reina kahit pa sinabi na ni Aizen na narito rin ang ibang Reyna.

"G-gusto ko silang puntahan." sabi ni Rei at napatingin naman si Aizen sa paligid niya. May mga bahay at building ang nasisira pati na rin ang mga puno ay nagsisitumbahan na rin.

Umiling siya kay Rei.

"Hindi maaari, masyadong delikado." sabi nito kaya tumingin naman si Rei kay Jack para kumbinsihin ito.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon