56

33 4 0
                                    

Ginabi kami sa pag-uwi sa palasyo ng Miaguazu. Dito muna kami dahil pagod na kaming apat lumipad papuntang Shisakilzen.

Halos kami na lang na estudyante ang nag-te test bago kami umuwi rito. Malamang gabi na at karamihan sa mga estudyante ay tapos na sa test nila.

Naligo kaming apat at nagpalit na sa pajama. Pinahatid na lang namin yung pagkain namin dito sa kwarto ni Reina. Wala na talaga kaming lakas para bumaba. 

"Argh, nakakapagod na mag test. Hindi ko nga alam kung tama ba mga hula ko." sabi ni Akira at humilata sa higaan.

"Nanghula ka lang?" tinignan ko siya na hindi makapaniwala. Nanghula rin naman ako pero hindi naman lahat hinulaan ko.

Tumango lang siya sa tanong ko.

"Ano kaya yung pansariling pagsusulit?" tanong ni Akira samin. Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko naman alam kung anong mayroon.

"Sa pagkakaalam ko ay test 'yon para sa mahika natin." hindi siguradong sagot ni Hazel.

"Gagamitin natin yung magic natin bukas? Diba bawal nga natin gamitin kasi makikilala tayo." pagtatanong ni Akira.

"Let's ask Morpheus. Hindi ko rin alam gagawin at nakalimutan ko itanong kanina." ang sabi ni Hazel.

Maya maya ay dumating na ang pagkain naming apat. Pagkatapos namin kumain ay dumeretso agad kami sa higaan para matulog. Kailangan pa namin gumising ng maaga.

~~KINABUKASAN~~

Nagising kaming apat dahil sa kalampag nila Morpheus.

"Gising na mga binibini! May pasok pa kayo!" sigaw niya habang hinahampas ng sandok ang kalderong hawak niya.

Magigising naman kami sa maayos na paraan, hindi naman niya kailangan mag-ingay. 

Dinamay pa talaga niya sile Leo.

Nang bumangon kaming apat ay shaka lamang sila huminto sa pagi-ingay.

Isa-isa kaming naligong apat. Susuotin na dapat namin ang uniform namin nang magsalita bigla si Morpheus.

"Hindi niyo kailangan suotin 'yan, eto ang suotin niyo." inabot ni Morpheus sakin yung training suit. Kinuha ko 'yon na may pagkatataka.

"Bakit eto ang susuotin namin?" takang tanong ko.

"Pansariling pagsusulit ang gagawin niyo ngayon. Mamarkahan ang inyong mahika kaya eto ang kailangan ninyong suotin." paliwanag niya.

"Paano pala ang mahika namin? Hindi namin pwedeng gamitin ang mismong mahika namin, hindi ba?" pagtatanong ni Hazel.

"Si Binibining Rin at Reina ay maaaring gamitin nila ang Healing at Recovery magic nila. Sa kaso niyo naman dalawa ay nasa labas si Kuya Deseo, papahiramin niya kayo ng ibang mahika." paliwanag ni Morpheus pagtapos ay lumabas na siya ng kwarto para makapagbihis na kami.

Pagtapos namin magbihis ay pinuntahan na namin sila Morpheus na nag-aantay sa harap ng palasyo.

Nang makita kami ni Ginoong Deseo ay agad niya kaming nginitian at kinawayan.

"Andito na ang mga binibini." nakangiting sabi ni Ginoong Deseo kaya napalingon din samin sila Morpheus.

"Bakit ang tagal ninyo magbihis?" iritang tanong ni Morpheus.

Hindi naman kami ganoon katagal, ah.

"Binibining Hazel at Binibining Akira, maari ba kayong lumapit?" magalang na tanong ni Ginoong Deseo. Lumapit naman sila Akira at Hazel.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon