112

36 3 1
                                    

Sa isang maliit na lugar ay may mga naka suot ng itim na damit at ang Mahal na Hari, Reyna at Prinsipe ay naroon din.

Halos lahat ng kakilala ni Arnel ay asa lugar na iyon at naka suot ng itim na damit. Pare parehas namumula ang mga mata nila sa pagiyak lalo na ang kaibigan nitong si Labos. Hindi nila magawa tumingin sa kabaong ni Arnel dahil tuwing titingin sila ay lumalabo ang mga mata nila dahil sa luha nila. Ngunit nang isara na ang kabaong ni Arnel at binuhat ito ay sinundan nila ito ng tingin.

Habang binababa ang kabaong niya sa lugar na hinukay nila ay nagsimula na sila magbato ng bulaklak. Unang nagbato ay si Rin na kalong si Nacy. Bago niya ibato ang bulaklak ay napahawak siya nang mahigpit doon. Sumunod sa kaniya ay si Labos na namumula ang mata at may nagbabadyang luha muli ang gustong tumulo mula roon. Sunod sunod sila magbato ng bulaklak hanggang sa tinabunan na ng lupa ang kabaong ni Arnel.

Kahit na tapos na ang libing ni Arnel ay walang nagbalak umalis sa lugar na iyon. Patuloy mong maririnig ang mga hikbi ng tao roon. Ngunit kalaunan lang din ay napagod din ang mga ito at isa-isa umalis para magpahinga hanggang sa maiwan na lang doon sila Rin at Ron na kalong kalong ang natutulog na si Nacy. Sa itim na dress ni Rin ay may nakakabit na blue brooch sa bandang dibdib ng dress niya. Iyon ang regalo sa kaniya ni Arnel.

Nang padilim na ang kalangitan ay lumapit na si Ron kay Rin na tahimik lamang nakaupo roon habang nakatitig sa lupa. Nang makalapit ay pinatong nito ang kamay niya sa balikat ni Rin ngunit hindi siya kinibo nito.

"Binibining Rin, kailangan na natin bumalik sa palasyo." mahinang sabi ni Ron ngunit sapat na para marinig ni Rin ito.

Ilang saglit muna tumulala si Rin bago ito dahan dahan tumango at tumayo. Muntikan pa itong matumba dahil sa matagal nitong pagkakaupo ngunit agad naman siya inalalayan ni Ron. Habang naglalakad si Rin palayo sa lugar na iyon ay bumibigat ang loob nito na para bang ayaw umalis ng katawan niya sa lugar na iyon at mas komportable pa siya sa lugar na iyon kaysa sa palasyo.

Dahil sa pakiramdam na iyon ay hindi maiwasan ni Rin huminto at tumingin sa bagong lagay na lapida. May nangilid na luha sa mga mata nito at mas lalong bumigat ang loob niya. Hindi namalayan ni Rin na naglalakad siya ulit pabalik kung hindi pa siya pinigilan ni Ron ay hindi niya malalaman ang ginagawa niya.

Napalingon ito kay Ron nang hawakan nito ang braso niya para pigilan siya. Iniling iling naman ni Ron ang ulo niya bago magsalita.

"Alam kong malungkot ka ngayon, Binibini ngunit... wala tayong magagawa kung hindi maglakad ng deretso palayo. Iyon na lamang ang pwede natin gawin kahit pa gusto natin manatili sa nakaraan." sabi ni Ron at saglit natulala si Rin sa sinabi niya bago naglakad ulit sa dereksyon na nilalakaran nila ni Ron, pabalik sa palasyo.

Nang lagpasan ni Rin si Ron ay sumunod ito sa likod niya.

Habang palayo ay patuloy pa rin bumibigat ang loob ni Rin at hinayaan na lamang niya tumulo ang luha nito. Kahit pa nakabalik na sila Rin sa palasyo ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman nito, parang lumala pa nga.

Madilim na ang kalangitan at nasa loob ng kwarto si Rin at nakatingin sa labas ng bintana. Si Nacy naman ay mahimbing na natutulog sa higaan niya.

Bigla naman bumukas ang pinto ngunit hindi nilingon ni Rin ang taong pumasok sa loob ng kwarto niya.

"Binibining Rin." bigla naman malungkot na ngumiti si Rin nang marinig ang boses ni Morpheus.

Hinarap niya si Morpheus at nakita nito ang malungkot na expression ni Rin at ang malungkot na ngiti nito.

"Maligayang pagbabalik, Morpheus." nakangiting sabi ni Rin kay Morpheus na ngayon ay nakaitim na attire. Marahan na yumuko si Morpheus at pinanood lang siya ni Rin gawin iyon.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon