Nakakailang diary na ako at wala pa rin akong makita kahit isang clue. Hindi ko na kailangan tanungin si Akira kung may nahanap ba siyang clue dahil kanina pa siya tawa ng tawa sa mga diary ng mga nakaraang reyna. Yung mga nakaraang reyna din may mga sapak din. Kung anu-ano sinusulat sa diary.
"Ayoko na HAHAHA ang sakit na ng tiyan ko kakatawa." natatawang sabi ni Akira.
"Magligpit na tayo at padating na maya maya sila Reyna Ann." saad ko at binalik na ang mga nabasa kong diary. Nagligpit na rin si Akira at kumuha na rin siya ng ilang diary na dadalhin namin. Kumuha na rin ako. Nagkwentuhan lang kami ulit dalawa habang inaantay dumating sila Reyna Ann.
Maya maya din ay bumukas ang pinto at sinusundo na kami nila Reyna Ann.
"7pm na, kakain ba muna kayo bago umalis?" pagtatanong samin ni Reyna Ann at umiling kami ni Akira habang natayo.
"Hindi na, ayoko makita pagmumukha ni Lei at ng iba pa."saad ni Akira at inabot kay Raven ang bitbit na mga diary. Kinuha naman ni Chiko ang hawak ko.
"Babalik na kayo sa Shisakilzen?"pagtatanong niya samin at tumango lang kami ni Akira. Lumabas na kami sa kwarto at dahan dahan bumaba. Ayoko madagdagan sakit ng likod ko.
Nauuna kami maglakad ni Chiko, inaalalayan niya ako pababa at inaalalayan naman pababa ni Raven si Akira. Si Reyna Ann malaki na siya kaya niya na sarili niya. Nakababa na kami at papunta na kami sa labasan nitong palasyo.
Nang makarating kami ay nakita namin si Leizyl na nagaabang. Ano naman ginagawa niya dito? Napansin niya kami kaya lumapit siya samin. Tinignan ko naman si Akira at hindi mapinta ang itsura niya.
"Akira, aalis na kayo agad?"tanong niya kay Akira at nilagpasan lang ako. Hangin ba ako?
"Oo, bakit?" sagot naman ni Akira.
"Gabi na, maaari naman kayo bumalik bukas ng umaga. Hindi pa kayo nakain at maaari rin na makasalubong niyo ang mga demdra." hindi ko alam kung nagaala-ala ba siya pero yung tono ng boses niya ay nagaalala. May gusto ba siya kay Akira?
"Gusto ko na makabalik agad sa Shisakilzen. May pagkain naman don. At isa pa kasama namin si Chiko at Raven sila na bahala sakaling may makasalubong kaming demdra. Ayos ka na?Pwede na kami umalis?" iritang sagot ni Akira kay Leizyl.
"Leizyl, hayaan mo na sila Akira." pagtawag ni Reyna Ann kay Leizyl.
"Pero Ina-" hindi natuloy ang sasabihin niya ng magsalita ulit si Akira.
"Raven, umalis na tayo." utos ni Akira kay Raven. Kinuha ni Akira ang bitbit ni Raven. Nagtransform naman si Raven sa isang malaking Agila. Kinuha ko din ang bitbit ni Chiko at nagtransform na siya sa isang malaking aso. Hindi ko ulit alam paano ako sasakay kay Chiko na may bitbit. Tinangka ko umakyat pero waley. Bigla na lamang ako lumutang at dahan dahan sinakay kay Chiko. Napatingin naman ako kay Reyna Ann at sa kanya nga ang magic na 'to. Nakita kong nakasakay na rin si Akira.
"Maraming Salamat, Reyna Ann."pagpapasalamat ko at tinanguan niya ako. Lumipad na si Raven, kumapit ako kay Chiko at tumakbo na ito papalayo.
Isang kaharian na lang ang hindi ko pa napupuntahan. Ang kaharian ng Ihyopa, andon din kaya si Hazel? Makikita ko kaya siya bukas? Magi-isang linggo na kami ni Akira bukas. Ibig sabihin mayroon na lamang kaming isang linggo pang natitira. May mahanap na kaya kami na clue?
Nakarating na kami sa Shisakilzen at nakikita ko na rin na lumalanding na si Raven. Katulad kahapon ay nagaabang si Reyna Gladice at ang iba pa sa pagdating namin ni Akira. May dala ulit itong kapa.

BINABASA MO ANG
The Other World
FantasyAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...