109

28 4 0
                                    

CHAPTER 109

Halos ilang oras umiiyak ang tatlong babae sa loob ng kwarto at nakatingin lamang sa kanila ang mga tao roon. Hinayaan lamang nila ibuhos ang mga ito ang nararamdaman nila.

Nang makaramdam ang mga ito ng pagod ay tumigil din sila. Inabutan naman ng mga lalaki ng tubig ang tatlo. 

"Gusto niyo bang ihatid namin kayo sa kwarto niyo?" tanong ni Aizen at tumango tango naman si Akira pero umiling si Rin. 

"Mananatili muna ako rito." sabi nito at medyo paos ang boses nito dahil sa pagiyak. 

"Gusto mo ba samahan kita?" rinig niyang tanong ni Reina at umiling iling naman si Rin. 

"Gusto kong mapag-isa rito." sabi nito 

"Sigurado ka?" muling tanong ni Reina at tumango si Rin at bahagyang ngumiti kay Reina. 

Tinitigan muna ni Reina si Rin bago alangan naman tumayo at sumama kay Aizen. Hinatid naman ni Arthur si Akira sa kwarto nito at lumabas din ang iba pa hanggang si Rin na lamang ang naiwan sa loob ng kwarto. 

Nang wala ng tao sa loob ng kwarto ay dahan dahan tumayo si Rin at naglakad palapit kay Arnel. Nakahawi ang puting telang nakataklob kanina sa lalaki at ngayon ay makikita mo ang maputlang mukha at sugat nito sa dibdib. 

Hindi mapigilan ni Rin na lumuha muli at umupo sa sahig.  Sa labas naman ng kwarto ay naka sandal si Ron sa gilid ng pintuan at pinakinggan lamang umiyak si Rin sa loob. 

Naisandal nito ang ulo sa pader at napatingala. Pinikit nito ang mata bago bumuntong hininga. Inalala nito muli ang nangyari kung bakit naging ganito ang sitwasyon ni Rin. 

Pumunta si Ron sa lugar kung nasaan si Reyna Gladice. Katatapos lamang nito tulungan ang Mahal na Hari ilikas ang mga tao at nang masiguro nito na ayos na ang lagay ng mga tao ay pinuntahan niya agad si Reyna Gladice. 

Hindi pa man din nakakalapit si Ron ay nakita nito ang Demdrang kalaban ni Reyna Gladice na lumipad pababa at bumagsak sa lupa. Nagkaroon ng malakas na tunog nang bumagsak ang Demdra at nawarak din nito ang lupa. 

Ang kalaban naman ni Morpheus na Demdra ay tumalsik sa kasama nito at bumagsak sa ibabaw nito. Parehas pumunta si Reyna Gladice at Morpheus sa lugar kung saan bumagsak ang dalawang Demdra. Pumunta rin doon si Ron at nang makalapit ay agad tinawag ang atensyon ni Reyna Gladice. 

"Ina." Pagtawag nito at nilingon siya ni Reyna Gladice na may pagtataka. 

"Ron? Bakit ka nandito?" takang tanong ni Reyna Gladice. May dugo sa bandang bibig ni Reyna Gladice at pati rin sa bandang braso nito. Ang kulay brown na jacket ni Reina Gladice ay gutay gutay at may mga mantsya ng dugo. 

"Ang iyong braso…" nagaalang tumingin si Ron sa braso ni Reyna Gladice. 

"Wala lamang ito, hanapin mo sila Rin at Ginoong Arnel. Dalhin mo sila sa iyong Ama. Masyadong delikado kapag narito sila." utos ni Reyna Gladice sa anak niya. 

"Asaan sila Binibining Rin?" pagtatanong ni Ron at nilibot ang paningin nito sa pigid.

"Dito *cough* *cough*!" sabay tumingin ang tatlo sa direksyon kung saan nila narinig ang boses. Hindi lamang sila Morpheus ang tumingin pati rin ang dalawang Demdra na dumadaing sa sakit ay napatingin sa likod nila. 

Ang tatlo ay nasa harap ng mga Demdra at nasa likod naman ng mga Demdra ay sila Rin at Arnel na unti-unting tumatayo. 

Malapit lamang sa kanila ang pinagbagsakan ng mga Demdra. Hindi naman alam nila Reyna Gladice at Morpheus na hindi pa gano'n nakakalayo ang dalawa. Akala nito ay nakalayo na ang dalawa. 

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon