89 (PART 2)

34 2 0
                                        

Mag gagabi na bumalik si Prinsipe Ron sa palasyo ng Shisakilzen. Kaya ito natagalan dahil sa pangungulit ni Reyna Angelika sa kaniya na manatili muna kahit saglit sa palasyo. Para makaalis ay nagbigay ito ng maraming dahilan. Nang marinig ito ng Mahal na Reyna ay hindi na ito nangulit pa.

Naglalakad siya ngayon sa hallway papuntang kwarto niya. Namataan niya si Binibining Aylene na tumutulong sa iba na maglinis ng palasyo. Pinagmasdan niya lamang ito at pagtapos ay dumeretso na agad sa pupuntahan niya.

Nang mag hating-gabi ay pumunta muli si Prinsipe Ron sa hardin ng palasyo. Pinagmasdan niya muli ang mga bituin na kumikislap sa kalangitan.

"Mahal na Prinsipe?" napalingon siya sa pamilyar na boses na tumawag sa kaniya.

Agad yumuko si Aylene sa Mahal na Prinsipe. Ito ay pabalik na sa kwarto nila.  Mula sa kanan kamay niya ay may hawak siyang plastic na may lamang biscuit.

"Magandang gabi, Mahal na Prinsipe." bati nito.

"Ganitong oras kayo natatapos mag trabaho?" biglang tanong ni Prinsipe Ron na ikinagulat naman ni Aylene.

"Amin lamang sinigurado na handa ang mga kailangan para sa inyong umagahan bukas." magalang na sagot ni Binibining Aylene sa tanong ng Prinsipe.

"Ano iyang hawak mo?" itinuro ni Prinsipe Ron ang hawak nitong biscuit.

"Ito ang tira kanina sa ginawa naming biskwit, aming napagpasiyahan na hatiin ito para sa amin. Gusto niyo po ba?" alok ni Binibining Aylene. Binuksan nito ang plastic at inalok kay Prinsipe Ron.

Kumuha naman si Prinsipe Ron at kinagat iyon. Agad niya nalasan ang tamis ng biskwit sa unang kagat pa lamang kaya napahinto ito agad sa pagkain.

"Masyado po bang matamis?" pagtatanong ni Binibining Aylene at dahan dahan naman tumango si Prinsipe Ron.

"Kukuhanan ko lamang kayo ng tubig." akmang aalis na si Binibining Aylene nang pigilan siya ni Prinsipe Ron.

"Ayos lamang ako." sabi nito at nilunok ang kinakain niya.

"Sigurado po ba kayo?" tumango tango naman si Prinsipe Ron.

Hindi ito mahilig sa matamis kaya kadalasan ay tinapay ang kinakain nito kaysa biscuit.

Napatingin si Aylene sa orasan na nasa pala pulsuhan niya.

"Gusto ko man manatili pa kasama kayo ngunit kinakailangan ko nang umalis. Magandang gabi muli, Mahal na Prinsipe." pagpapaalam ni Binibining Aylene at nang tanguan siya ni Prinsipe Ron ay naglakad na ito palayo.

Nagtagal pa saglit si Prinsipe Ron doon bago kumuha ng tubig at bumalik sa kaniyang kwarto. 

Kinabukasan ay nage-ensayo ito kasama ang Mahal na Hari. Kahit pa madalang lang humawak ang Mahal na Hari ng espada ay mas magaling pa rin ito sa kaniyang anak.

Iwinasiwas ng hari paitaas ang espada niya. Sinalag nito ang espada ng anak at tumilapon ito palayo.

Hingal naman tumingin si Prinsipe Ron sa ama. Bigla naman itinutok ng Mahal na Hari ang espada nito sa paa ng anak.

"Ang iyong paghakbang ay hindi tugma sa paggamit mo ng espada." komento ng ama niya. Pinunto pa nito ang mga napansin niya na maling ginawa ng anak niya at pinakinggan lang siya ni Prinsipe Ron.

"Mag ensayo ka nang maigi."

"Masusunod, Ama." yumuko saglit si Prinsipe Ron upang magbigay galang sa Mahal na Hari. Tinalikuran siya ng hari at umalis na.

Nilapitan naman siya ng mga katulong para abutan ng pamunas at tubig. Hinanap ng mata niya si Binibining Aylene habang pinupunasan nito ang pawis niya ngunit hindi niya ito makita sa paligid.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon