AKIRA P.O.V
Tulad ng sinabi ni Ginoong Deseo ay tinulungan namin nila Hazel ang mga reyna na ilikas ang mga tao. Buti na lang naisip ni Hazel na sa loob ng palasyo patuluyin lahat ng tao. Malawak naman ang palasyo at maraming bakanteng kwarto. Doon namin pinatuloy yung mga tao. At yung mga tao naman sa Shisakilzen ay hinati namin sa tatlong kaharian. Andito sila Reyna Gladice at ang mga Royalty naman ay nahati din at pinunta sa 2 kaharian.
Dahil kinagabihan ay biglang umulan ng pagkalakas lakas. Andoon lamang ako sa kwarto ko. Shinare ko din yung kwarto ko sa ibang babae. Malaki naman yung kama.
Tinignan ko yung labas at pinagmasdan ang ulan.
Asaan na kaya si Rin? Ayos lang ba siya? May masisilungan naman siguro siya diba?
RIN P.O.V
Natakbo kami ngayon nila Arnel dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Buti na lang madami kaming nakuhang gulay at naghunting pa kami ng karne.
Pumunta kami sa unang pinuntahan nila Arnel pero sinasabi ng instinct ko na pumunta sa ibang direction kaya sinunod ko. Dahil doon ay nakahanap kami ng mga tanim doon na gulay. Hindi namin kilala yung nagtanim pero thank you sa kanya hehehehe.
Narating na namin ang bayan at agad kaming pumasok sa bahay ni Arnel. Basang basa na ako. Bakit ba biglang bumuhos yung ulan?
Balak ko pa naman sana magluto para sa mga matatandang hindi nakakain kanina.
Tinignan ko ang sarili ko at agad akong napatakip. Tinignan ko naman si Arnel.
"Uhm, Arnel." pagtawag ko kay Arnel nagpapagpag naman at pinapatuyo ni Arnel yung sarili niya.
"Bakit?" tanong niya.
"Uhm, pwede mo ba akong hanapan ng damit? Basang basa na yung damit ko, eh." sabi ko. Agad naman siyang lumapit sa box at inabutan niya ako ng pilipiñana kinuha ko naman 'yon at pumasok agad sa banyo at agad na nagbihis.
Paglabas ko ng banyo ay naglalatag na si Arnel sa sahig. Tinignan ko naman yung lola ni Arnel na mahimbing natutulog sa papag.
"Maaari kang tumabi kay lola, Binibining Rin." sabi naman ni Arnel at umiling naman ako. Maliit lang yung papag kung hihiga ako doon masisikipan lang si lola.
"Sa sahig na lang ako matutulog." sabi ko at nagulat naman siya at namula yung mukha niya. Bakit?
"S-sa sahig?" takang tanong niya at tumango naman ako.
Humiga na ako sa nilatag niya at pinikit ang mata ko. Nakatulog din ako kalaunan.
THIRD PERSON P.O.V
Nang makatulog si Rin ay biglang nagsilitawan ang mga kapatid ni Morpheus. Dahil tulog na si Rin ay gumana na ang Dream Magic ni Morpheus. Sinigurado naman ni Morpheus na maganda ang panaginip ni Rin at ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
"Morpheus! Bakit mo kami pinaalis kanina, ha!" agad na sigaw ni Gaia sa kapatid niya.
"Dahil hindi mo binigyan ng kondisyon si Binibining Rin nang ibigay mo ang kapangyarihan na gusto niya ay ako na ang gumawa." sabi ni Morpheus. Ang panaginip ni Rin ay tungkol sa kapangyarihan na binigay sa kaniya ni Gaia kung papaano niya ito gagamitin.
Tinignan naman nila ang malaking screen kung saan pinapakita ang pagbaha sa lahat ng kaharian. At nagpaplano na ang mga babae kung ano ang sunod na gagawin.
~~KINABUKASAN~~
RIN P.O.V
Hindi pa nasikat ang araw ay gumising na agad ako. Lumabas agad akong ng bahay para tignan ang kalagayan. Sobrang lakas ng ulan buti na lang hindi bumaha. Dahil siguro nasa kagubatan kami. Basa yung lupa dahil sa pag-ulan.
BINABASA MO ANG
The Other World
خيال (فانتازيا)Ang kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...