Agad naman na alerto si Reyna Gladice nang marinig ang pagsabog na 'yon. Dali dali niya iniwan ang papeles at tumingin sa bintana niya. Naging seryoso agad ang mukha niya nang makita niya ang lugar na pinanggalingan ng pagsabog.
Hindi siya nagdalawang isip tumalon mula sa bintana niya. Habang pababa siya ay nagbago ang damit niya at naging fitted leather brown jacket ito at black fitted shorts at fighting boots.
"Chiko!" pagtawag niya sa soul familiar niya at may malaking itim na wolf ang biglang sumulpot sa ibaba at sinalo siya.
Hindi na nagaksaya pa si Chiko at dali daling tumakbo kung saan nakakulong ang mga Demdra pagkasalo niya kay Reyna Gladice.
Ang mga mata ni Reyna Gladice ay naging berde na kasing kulay ng forest at ang buhok niya na naka high ponytail ay humaba at ang kalahati ng buhok niya ay naging kulay berde rin.
Ginamit niya ang mahika niya upang kumonekta sa ibang mga reyna. Nang makakonekta ito ay agad niya inalam ang sitwasyon sa kaharian nila.
[Sinusubukan namin kontrolin ang sitwasyon rito. Ang mga Binibini ay nariyan sa kaharian niyo 'di ba?] pagtatanong ni Reyna Vanice.
Nababalutan ng gray armor ang katawan nito at sa loob ng armor ay isang fitted turtle neck shirt. Ang palda na suot din niya ay gawa rin sa armor. Ang mga mata nito ay kasing pula ng dugo pati na rin ang kalahati ng buhok niya na naka twin braid.
"Mukhang narito nga sila. Si Ginoong Morpheus?" pagtatanong ni Reyna Gladice.
[Kakaalis lamang niya at papunta na siya riyan. Wooaa, oops.] saad ni Reyna Angelika habang umiilag sa atake ng Demdrang kalaban niya.
Naka light blue heart shape flowy dress ito na may slit sa kabilang gilid ng dress niya. May sleeves din ang dress niya na naka connect sa heart shape niyang dress.
Ang mga mata niya ay kulay asul na kasing kulay ng dagat pati na rin ang kalahating buhok niya na naka half ponytail.
Muli itong umilag nang magbato ang Demdra ng itim na bolang mahika sa direksyon niya.
[Kay Akira yung presensiya na iyon, 'di ba?] pagtatanong ni Reyna Ann at sinipa palayo ang isang Demdra bago iwasan ang mahabang kuko ng Demdrang umatake sa kaniya.
Naka heart shape white fitted cloth ito at may gold armor sa kanan balikat niya pababa at nakapalibot ito sa bewang niya hanggang sa white skirt niya. Naka black boots siya na umabot hanggang tuhod niya.
"Oo, hindi ko pa maramdaman ang presensiya ng iba pero panigurado na magkakasama lamang sila. Mabuti na lamang at naroon sila Prinsipe Ethan kung nasaan sila." pagsagot ni Reyna Gladice sa tanong ni Reyna Ann.
Nakarating na sila Chiko at agad naman tumapak si Reyna Gladice sa mahika niya. May mga lupa ang sumusulpot tuwing tumatapak si Reyna Gladice sa ere.
"Chiko, dahil wala sila Ron ay ilikas mo ang mga tao at lahat ng Royalty ay kailangan protektahan ang mga tao."
[Masusunod, Mahal na Reyna.] niyuko ni Chiko bahagya ang ulo niya bago tumakbo palayo.
[Mukhang magiging abala tayo ngayon, ah.] pabirong sabi ni Reyna Angelika.
Pinitik ni Reyna Gladice ang daliri niya at may mga golem ang bumangon mula sa lupa.
Hazel P.O.V
Tumatakbo kami ngayon ni Prinsipe Ethan kung nasaan sila Rin.
Kanina lamang ay pinaliwanag nito sa amin ang tinatago ng Mahal na Reyna at Hari.
Flashback
"...At Binibining Hazel...kailangan mong sabihin sa amin kung nasaan ang dalawa pang Binibini kung gusto mong maligtas sila."

BINABASA MO ANG
The Other World
FantasyAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...