RIN P.O.V
Akala ko ay mahihirapan si Akira dahil mahina ang stamina niya. Akala ko lang pala, nasayang lang yung pag-aalala ko sa kaniya. 10 minuto pa lang ang nakakalipas at nasa ikaapat na building na siya.
Bawat tuktok ng building ay may nag-aantay na lalaking naka knight suit para ihatid ka sa kabilang building gamit ang portal magic
At ngayon ay tinatapos na lang ni Akira ang huling palapag para makapunta siya sa susunod na building.
Nakikipaglaban siya ngayon sa isang lion. Kailangan niyang makuha ang ribbon na nakatali sa buntot ng lion. Kanina niya pa sinusubukan kunin ang ribbon sa lion.
Ang malas lang niya dahil hindi nagana ang mind control sa mga hayop.
Sinubukan sumakay ni Akira sa lion ngunit tumalon ang lion kaya nalaglag siya.
[Ouch! Kanina ka pa, ah.]
Tumayo siya ulit at sinubukan kunin ang ribbon sa buntot ng lion ngunit nilayo lang ng lion ang buntot niya kay Akira.
[Ayaw mong ibigay?]
Umilaw ang mata ni Akira pero walang epekto ang mind control sa hayop.
[Tsk.]
Itinaas ni Akira ang kamay niya at biglang may lumitaw na scythe.
[Hindi naman nila sinabi na kailangan buhay ka, eh.]
Nakangiti niyang sabi at dahan dahan lumapit sa lion na ngayon ay hindi nagalaw sa pwesto niya. Pwede ba yung ginagawa niya? Diba animal abuse na 'to?
Pagkalapit ni Akira sa lion ay iwinawagayway ng lion ang buntot niya kay Akira kung nasaan ang ribbon.
Napangiti naman si Akira at kinuha ang ribbon at nawala na ang scythe niya.
[Ibibigay mo rin naman pala, pinahirapan mo pa ako.]
Naglakad siya sa nagbabantay sa pinto. Inabot ni Akira ang ribbon sa nagbabantay at pinalabas na siya ng kwarto.
Pagkalabas niya ay agad niya nakita ang portal kaya agad siyang pumasok doon.
Tinignan ko ang orasan at mayroon pa siyang 20 mins para matapos yung panlimang building.
"Heh~ Nakaabot nga siya sa ikalimang building." komento ni Hazel.
Ano kaya yung pagsusulit sa huling building?
Pagdating ni Akira sa ikalimang building ay madilim ang kapaligiran. Walang tao, walang gamit, walang kahit ano. Dilim lang ang makikita mo.
Bigla naman may nagsalita sa kung saan.
[Binibini~ alam ko ang iyong ninanais sa buhay~]
May narinig kaming boses at napalingon lingon lang si Akira. Sinusubukan niyang hanapin kung saan galing ang boses na 'yon.
[Oh, tapos?]
Walang takot na sabi ni Akira at binato niya ang espada niya sa ere pero bumaba lang ulit 'yon.
[Binibini~hindi mo ko matatamaan kahit paulanan mo pa ang buong paligid ng espada.]
[Tsk! Paano ako makakaalis dito?]
Bigla naman tumawa ng malakas ang kausap ni Akira.
[Depende 'yon sa'yo, Binibini. Kung gusto mo ba talaga makaalis dito.]
[Huh? Malamang gusto ko uma-]
Hindi natuloy ang sasabihin ni Akira ng may lumitaw na lalaki sa di kalayuan sa pwesto ni Akira.
BINABASA MO ANG
The Other World
FantasyAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...