Nakasakay kami ngayon sa kabayo papunta sa bayan ng Sunflower. Kasama ko sa kabayo si Ron at sa kabila naman sila Aizen at Rei.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Ang sabi lang nila Arnel ay makakaramdam sila ng matinding sakit kapag nasa loob ng barrier. Hindi ko naman ma-imagine kung anong 'sakit' ang tinutukoy nila. Physical ba, mentally ba or ano. At isa pa may kumakalat na lason ngayon sa hangin na hindi pa nawawala. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam paano mawala iyon.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay bigla kong narinig ang boses ni Morpheus.
[Binibining Rin. Nahanap na namin ang lokasyon nila Ginoong Arnel.]
"Huh?!" nagulat naman si Ron sa biglaan pagsigaw ko. Sinabi ko sa kaniya na nahanap na nila Morpheus sila Arnel.
'Asaan kayo ngayon?'
[Asa isang harap ng mansyon sa bayan ng Sunflower.]
'Morpheus...hindi mo ba pwedeng maibalik ang mahika mo kay Arnel ngayon na malapit ka sa kaniya?'
[Hindi maaari, Binibini. Kailangan ay nahahawakan ko si Ginoong Arnel para magawa 'yon.]
Napakagat naman ako sa labi ko ng marinig 'yon. Bakit kaya niyang tanggalin ang mahika niya mula sa malayo pero hindi niya kayang ibalik?
"Asa harap daw ng mansyon sila Morpheus." saad ko sa kanila.
"Mansyon?" takang sambit ni Aizen.
"Binibining Rin, andito na tayo." tumingin ako sa harap at nakita ko agad sila Morpheus.
Gulat itong napatingin samin. Kasama niya ang ibang mga knights.
Inalalayan ako ni Ron bumaba ng kabayo. Pagkababa ko ay agad akong tumakbo papunta kila Morpheus at napatingin sa gate ng mansyon.
Kung gano'n ay yung kakilala nga ni Ron ang dumakip kila Arnel. Pero bakit? Sa dami daming pwedeng kidnapin sa palasyo bakit silang dalawa? Hindi naman sila konektado sa palasyo.
"Ron, pwede na ba tayong pumasok sa loob?" agad na tanong ko pagkalapit nila Ron.
Nasa batas kasi ng mundong 'to na hindi maaring manghimasok sa pamamahay ng iba. Maaari ka lamang makapasok kung may permiso ka ng may-ari ng bahay o kaya ng head ng mga knights.
Kaya hindi agad pumasok sila Morpheus dahil maaari sila ang makulong imbes na yung nakatira.At ang head ng mga knights ngayon ay si Ron.
Tumango lang si Ron at inutusan na ang mga knights na pumasok. Agad din ako sumunod sa mga knights. Tinawag pa ako nila Morpheus dahil masyadong delikado pa daw pumasok sa loob dahil hindi pa namin alam kung ano ang nag-aabang sa loob pero hindi ko sila pinansin.
Bigla naman huminto ang mga knights pagpasok namin sa gate. Sumilip ako sa harap at may mga naka hoodie na black ang humaharang sa daan namin. Napansin kong gagamit sila ng magic nila ng itali ko agad sila at pinasok sa loob ng halaman.
Nagulat pa ang mga kasama ko pero hindi ko 'yon pinansin at pumasok na sa loob ng mansyon.
Masyadong malaki ang mansyon.
"Arnel!" sigaw ko habang tumatakbo sa loob ng mansyon.
Habang natakbo ako ay nagtataka ako dahil wala na akong nakakasalubong na nakaitim na hoodie. Sila na lahat 'yon? Hindi ko man lang nakita yung gumagamit ng Enchantment.
"Arnel!" sigaw ko habang natakbo paakyat sa ikalawang palapag pero hindi ko pa rin sila mahanap. Hinihingal na ako kakatakbo at kakasigaw pero hindi ko pa rin sila mahanap.
BINABASA MO ANG
The Other World
FantasyAng kwento ay tungkol sa 4 na babae na pinili ng 'Another World' na maging susunod na reyna sa bawat kaharian sa ayaw at gusto nila. Makakabalik lamang sila sa mundo nila kung magiging reyna sila at isisilang nila ang susunod na hari para sa daratin...