Ikadalawampu't siyam na Kabanata: Professional
"Bakit parang ang aligaga ko yata?"
I let out a loud sigh after checking myself on the mirror. I am wearing a white fitted shirt, camo pants, black belt and combat boots. Instead of my bullet necklace, I have my dog tag hanging from my neck.
My shoulder-length wavy hair is in a low messy bun. I am not wearing any make-up except for sunscreen and lip tint. This is enough.
Days passed by quickly. It seems like it was only yesterday when I was given this mission. Now, it is officially my first day.
Mabuti na lang din at kasama ko si Priam dito. May iilan din kaming kasama sa tropa ngunit magmamasid lang sila sa malayo. Ayon na rin sa gusto ni Eunice na sinang-ayunan naman ni Gabriel.
"Gabo?"
Napabaling ako sa tawag mula sa labas ng apartment ko. Patakbo akong lumapit sa pinto. Pagbukas ko nito ay kape agad ang aking nakita.
"Hi ganda! Good morning!" Dumungaw ang masayang mukha ni Priam sa gilid ng mga coffee cup.
"Good morning, Priam."
"Coffee?"
"Salamat."
Tinanggap ko iyon ng may ngiti at pinapasok siya sa loob. Agad naman akong pumanhik sa paglalagay ng mga gamit ko sa aking itim na knapsack.
Ipinasok ko roon ang aking cellphone, water bottle, suklay, pulbos, pera, extra shirt at iba pa.
"Wow, parang pupunta ng camping ah."
Napatalon ako sa gulat dahil kay Priam. Nakasilip ito mula sa aking gilid bago umupo sa kama. Ngiting-ngiti ito habang ako'y nakataas ang kilay.
I mentally recited the things in my knapsack again. Am I forgetting something? Is this enough?
"Ganda, tama na 'yan. 'Yong baril mo, mukhang wala pa diyan."
Iniharap ko sa kanya ang kanang bahagi ng katawan ko. Tumaas lang ang kilay niya.
Mukha akong kinakabahan, oo. Pero hindi 'yon dahilan para maging dis-organisado ako. Mula pa kagabi ay inihanda ko na ang lahat. Nagtse-tsek lang ako ng gamit ngayon.
"This is going to be fun," aniya habang may nakakalokong ngiti.
"Yeah? Spill the tea, Priam."
Tumayo siya at pumunta ng kusina. Isinukbit ko ang aking bag at dinampot ang susi ng aking kotse. Sumunod ako sa kanya.
"We're going to my cousin first. We'll pick her up from there."
"Sa'n daw ba niya gustong pumunta?"
Sumimsim siya sa kanyang kape habang nakaupo. Doon ko siya napagmasdan ng maayos. Halos parehas lang kami ng suot maliban sa itim niyang pang-itaas. Halatang presko ang hitsura niya. Bakas sa kutis niya ang maganda nilang lahi.
His hair is parted sideways. He looks young although he's two years older than me. I'd say he'd pass for a model like his cousin Eunice. With his pouty lips and curvy pointed nose, I am surprised he still hasn't got any girl.
"Ewan," sagot niya.
Well, he's just weird sometimes.
Medyo napailing naman ako. 'Yan ang hirap sa mga buntis. Pabago-bago ng isip. Mabuti na lang, sa paglipas ng panahon eh humaba pa ang pasensya ko. Hindi ko alam kung anong mga mangyayari pero sana lang, maging matiwasay ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romance[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...