CHAPTER 3

683 63 18
                                    


Ikatlong Kabanata: Card



"Ang engot mo Gabo! Paano tayo uuwi? Tricycle na lang?" pagmamaktol nito. Mukhang nanghihinayang sa pera. Ako rin naman.

"Ba't pumayag ka pa kasi sa may sapak na 'yon," pagbabalik niya sa issue kanina.

"Hoy ikaw kanina ka pa! Nagmamagandang-loob na nga 'yong tao dami mo pang satsat."

"Maganda nga ba? Eh mukhang gusto na akong ibitin patiwarik!"

I laughed at that. Sandali kong nalimutan ang inis kay Mr. Mercader at naalala ang nakakatakot na mukha ni Gabriel.

Naghintay kami ng tricycle kahit hapon na. Nagugutom na ako at hindi ko pa sigurado kung may nagmalasakit na iuwi ang motor ko o di kaya'y kinuha ni kuya. Maaga pa naman at mukhang hindi pa 'yon umuuwi.

Nakaupo kami ni Klio sa waiting shed. Bawat tricycle na dumadaan ay napapatayo kami.

"Gago ba't hindi tumigil 'yon?"

"Iba ang ruta no'n engot."

Nagmaktol ito ngunit wala pa ang ilang minuto'y pumarada ang pamilyar na Land Rover sa aming harapan. I parted my lips with shock. The window opened and he spoke.

"Get in."

Pasado alas-onse na ngunit hindi pa ako makatulog. Tahimik ang byahe kanina. Sobrang awkward, walang nagsasalita. Kahit 'di ako mapakali at gustong-gusto nang magsalita, pinigilan ko ang sarili ko.

Noo'y sinisilip ko ang driver mula sa gilid. Isang kamay lang ang gamit sa pagmamaneho. Ang kabila'y pinaglalaruan ang labi.

I shook all the thinking inside my head and forced myself to sleep. I was about to close my eyes when I remembered something.

His number!

Paano ko nakalimutan 'yon? Lahat ng customers ng shop, itinatago namin ang numero.

Napabalikwas tuloy ako dahil paniguradong gising pa si Angelo na siyang nagtatago ng logbook. Busy kasi siya sa pakikipag-chat sa mga foreigner. Aniya, ito ang pag-asa niyang makaalis ng La Esencia.

Ipinagtataka ko lang, sinong gugustuhing umalis sa napakagandang lugar na ito?

I will soon leave this place, but it will just be temporary. It's for my family.

Kinuha ko na agad ang luma kong android phone at tinawagan si Angelo. Matapos ang ilang pag-ring ay sinagot na niya ito.

"Ano ba 'yan! Sino 'to?" pagalit niyang tanong.

"Hoy Angelo, 'wag mo 'kong sigawan ah." I pouted. "May... g-gusto lang akong hingin."

"Kasi naman! Nag-uusap kami ni Andrew! Hay. Ano ba'ng kailangan mo ha? Dis-oras na nang gabi ha. Baka naman papa rin ang gusto mo? Nako Gabo hindi kita pagbibigyan! Patay ako kay Tatay Max niyan," paghihisterikal nito.

"Never! Umayos ka nga."

Kinalma ko ang sarili at napakagat sa aking labi.

"'Y-Yong mga contacts natin 'ka ko. Gusto ko lang kunin 'yong number nung isa nating customer."

"Sus! Sabihin mo kasi agad." Natahimik bigla ang linya at maya-maya'y nakarinig ako ng mga tunog ng papel. "Oh, sino ba'ng customer natin?"

"N-Nung isang araw..."

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Parang biglang nagbara ang aking lalamunan at nahirapan akong huminga. Kinailangan ko pang suntukin ang aking dibdib at huminga ng malalim.

The Heart of a Wounded SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon