CHAPTER 9

455 41 8
                                    


Ikasiyam na Kabanata: New



Iyon lang ang naging routine ko buong linggo at plano kong routine next week hanggang Miyerkules. Naisip ko kasing agahan na ang pagpunta sa Maynila para madali akong makapag-adjust sa bago kong titirhan.

This is a big step for me actually. To be far away from my family, iyong ako lang ang mag-aasikaso sa sarili ko. Siguro, ganoon naman talaga. At some point in our life, we need to walk alone. Hindi sa lahat ng oras ay may makakasama ka. Everybody can leave. If that happened, then so be it. At least you have learned how to step on those tracks unaided and afterwards, you'll have that smile on your face saying, 'nakaya ko'. Kaya ko pala.

Naisip ko, siguro parang practice na rin ito kapag nasa kampo na ako. Malayo kina tatay, walang nambubulabog at makulit na bestfriend, walang tatay na magpapaalala ng mga hindi o dapat gawin.

Kung mayroon mang tanging nagtutulak sa akin para magpatuloy, iyon ay 'yong mabayaran ko lahat ng utang ko sa aking mga magulang. Ngunit hindi rin mawaglit sa aking isipan ang isa pang dahilan kung bakit pursigido ako rito.

I sighed. Hanggang ngayon, I am still carrying the guilt. Kahit sinabi niyang wala akong kasalanan, I still feel like I am the one who led her to her death. I loved her so much at babawiin ko lahat sa pamamagitan nito.

Buong linggo ay inabala ko ang aking sarili sa trabaho. Puspusan ang pag-aasikaso ko sa mga customer. Kahit nga dapat ay magpapahinga na ako, I see to it that all customers are well attended.

Nagbibiruan pa rin kami ni Klio ngunit hindi ko maiwasang maisip muli na hindi ko siya kasama. Iniisip ko pa lang na nakatayo ako sa labas ng matayog na building ng mag-isa ay kinakabahan na ako.

"Huy Gabo, 'wag mo na nga kasing isipin 'yun. Goods tayong dalawa. Yaka natin 'yun," pang-aalo ni Klio.

"Talaga lang ah."

Ibinaba nito ang wrench na hawak at tumingin sa akin. "Ikaw pa! Eh magaling ka naman sa pakikipag-usap sa iba. Ano nga bang tawag do'n? FC?"

Kumunot ang aking noo. "FC? Forever cute?"

Napaismid ito at nag-isip. Maya-maya'y tila nagliwanag ang light bulb nito sa ulo. "Feeling close!" sabay halakhak.

Dinampot ko ang wrench at akmang ipupukpok sana sa ulo niya kaya lang ay naalala kong kaibigan ko nga pala 'to. I know he is just trying to make the situation lighter. He knows my weakness. Minsan kasi ay nagpa-panic ako kapag naiiisip kong ako lang mag-isa. Kahit andyan ang inspirasyon ko, kung wala man lang akong kakilala kahit isa sa trabaho ay magpa-panic talaga ako.

We all need someone like Klio. Someone who'll remind us that we don't need to be terrified and that everything will be just fine. Someone who'll share your bliss and blues in life. Iyong kahit magkakalayo kayo, he/she will see to it that distance and lack of time wouldn't be a reason for the care you have for each other to vanish. Most friendships today are shortlived. Hindi mo lang makausap ng ilang buwan o taon ay magkakalimutan na.

Pero ano nga ba'ng dahilan niya? Hindi naman ganito madalas si Klio. Oo at natutuwa ako na parang nag-mature siya sa pagdedesisyon pero ano nga ba talaga ang nagtulak sa kanya?

"Hmm... siguro kaya gusto mong humiwalay kasi nai-in love ka na sa akin 'no?" panimula kong tanong. Huhulihin kita Klio.

Agad na umasim ang kanyang mukha at parang nandidiri. "Gabo kung gusto mo akong paaminin ay wala kang mahihita. Oo nga't maganda ka naman, may personality, pero hindi ikaw ang babaeng para sa akin."

The Heart of a Wounded SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon