Ikaanim na Kabanata: Privileged
Kagabi'y hindi ko pa rin mawari kung bakit hindi man lang nabanggit ni tatay ang tungkol kay Gabriel. Not that he needs to.
Siguro, nagkausap na sila ng masinsinan. Ganoon naman talaga si tatay. Kailangan niyang siguraduhin ang kaligtasan ko. Oo, yun 'yon. Pinagkakatiwalaan na siguro niya si Gabriel.
Pagkatapos magluto ay naligo na ako at nagbihis na rin. Pagkababa ko ay kumakain na si bunsoy.
"Good morning ate!"
"Good morning poging Emil! Asan ang kuya mo?"
"Pumasok na po sa trabaho," aniya at sumubo ng kanin.
"Eh ang tatay?"
"Tulog pa."
"Oh sige, bilisan mo na diyan at baka ma-late ka pa."
"Okay po."
Kumindat ako at ngumiti naman siya. Aakyat na sana ako upang kumustahin si tatay nang saktong bumaba naman siya.
"Good morning 'tay!" sabay naming bati ni Emil at nagmano.
"Na-late ka ho ata ng gising 'tay."
"Maaga lang kayong nagising," paliwanag niya.
Kumain na kami. Naunang matapos si Emil at pumasok na. 1st year high school na ito. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na rin ako upang umalis.
Sa munisipyo nagtatrabaho si tatay bilang personal bodyguard ng mayor. Sa daan ay napapangiti pa ako dahil ang gaan lang ng aking pakiramdam.
Tiningnan ko pa saglit ang aking sarili sa salamin. Itim na tshirt ang suot ko at knee-length shorts. Sneakers naman sa ibaba.
Sakto lang ang dating ko sa shop. May mangilan-ngilan na agad kaming customer at nandito na rin si Klio na may kinukumpuning generator. Nakatuwad ang balakang nito kaya naisipan ko itong sundutin ng pliers.
"Oy!" panggugulat ko sa kanya.
"Ay pangit!" Humarap ito at halata sa mukha ang sakit.
"Anong pangit?"
"Gabo! My bestfriend! Kumusta na?" Nag-handshake kaming dalawa.
"Anong drama 'yan?"
"Ito naman, 'di mo man lang ba ako na-miss?" He pouted and he thought it suits him.
"Ba't naman kita mami-miss?"
"Ilang araw kaya tayong hindi nagkita."
Napasampal ako sa aking noo. Kahapon lang naman kami hindi nagkita.
"Alam mo wala ka nang pakialam sa akin."
Ano bang inaarte nito? "Kung wala, edi sana wala ka nang extra ngayon."
"Anong extra?"
I sighed. "Naalala mo 'yong pinakita ko sa'yong calling card dati? Nakausap ko na 'yong boss natin."
"Oh ano daw sabi? Tanggap na tayo?"
Binatukan ko ito. "Engot! Hindi pa nga tayo nakikita tanggap na agad?"
"Aray naman. Ano ba kasing sinabi."
"Alam na niyang mag a-apply tayo. Tatawag ulit ako doon."
"Ayos 'yan Gabo! Sasabihin ko agad 'to kina papa."
Agad ko itong pinigilan nang akmang aalis.
"Sandali. H-Hindi ko pa kasi nasasabi na kasama ka."
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romansa[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...