Gabriella, La Esencia
"Bigla loko makina sasakyan ko in the middle of nowhere. Aish. It's good may shop dito," sabi ng pangalawang customer ko ngayong araw na nagpakilala bilang Mr. Chan. Singkit ang kanyang mga mata. Halata ring big time dahil sa accent nito.
Inabot ako ng buong umaga kanina sa pag-asikaso ng isang customer dahil marami ang naging request nito. Pahirapan pa ang negosasyon. Tiningnan ko ang pulang sasakyan. Ganda nito. Vintage. My kind of car.
Itinaas ko ang hood ng sasakyan at inisa-isa ang parte. Itsura pa lang ay wala kang makikitang ganitong klase sa Pilipinas. May pagkaluma na rin ang mga ito.
"You, sit there and wait."
Itinuro ko ang monoblock chair na nasa labas ng shop kung saan siya maghihintay. Medyo maraming customer ngayon kaya baka mainip siya.
Tumango-tango ito. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. He left with a jolly face.
"Angelo! Tubig!" tawag ko sa all around assistant dito sa shop.
Sinimulan ko nang umpisahan ang pagkumpuni ng makina ng sasakyan. Maya-maya'y dumating na ang pakembot-kembot na si Angelo na may dala-dalang bottled water.
"Angelica nga! Hindi Angelo. Nakakasira ng ganda 'yong Angelo ha," maarteng hawi ng buhok nitong maikli at iniabot ang tubig.
Inginuso ko ang foreigner. Ginaya niya ang aking ginawa at sinundan ang aking tinutukoy.
"Ay baka forever ko na 'to!" Dali-dali siyang umalis, dumoble pa ang pagkembot suot ang short shorts at off shoulder blouse niya.
Lahat yata ng customer dito ay baka forever na niya. Ibinalik ko ang aking tingin sa makina ng sasakyan. Fuel at ignition system components ang problema dito.
"Pasensya na miss, kakalikutin muna kita. Bulok 'tong amo mo e," bulong ko sa sasakyan bago inumpisahan ang gawain.
Ilang taon na akong nagtatrabaho sa Mekaniks. Noo'y part time lamang ngunit gaya ng ngayo'y full time na. Dito muna ako habang hindi pa pinapalad sa ibang in-apply-an na trabaho.
Ito ang shop ng tatay ng kaputol at kabiyak kong si Klio. Isa siyang matangkad, malusog, at normal na lalaki. Magkasundo kami sa lahat ng bagay, ultimo mga libangan, parehas din.
At dahil parehas din kami ng kurso, mas naging malapit kami sa isa't isa. Mula anit hanggang kuko, saulo naming parehas.
Laking galak ng aming pamilya sa aming natamong biyaya sa board exam nitong nakaraang buwan. 'Yon nga lang, mahirap maghanap ng trabaho dito sa probinsya. Pero 'di ko akalaing mas mahirap palang maghanap sa Maynila. Madalas nilang sinasabi na tatawag na lang ulit sila.
Kaya heto, sige lang sa mga trabahong kaya ko hanggang makapag-ipon para makahanap ng trabaho kaysa naghihintay sa wala.
"Angelo! 'Yong langis." Kasalukuyan kong nililinisan ang fuel at ignition system component ng sasakyan. Ingat na ingat ako sa bawat parte nito. Mahirap na, baka ako pa ang magbayad.
Tunog ng bakal, sasakyan, mga tools, at boses ang siyang maririnig sa paligid. Maingay at gumagalaw ang lahat ng tao dito.
Sa labas, kung nasaan ang waiting area ay may telebisyon para 'di mainip ang mga naghihintay. Dumating naman si Angelo na may dalang langis.
"Isa pang Angelo, dadapo na sa mukha mo 'to." Ipinakita niya ang kanyang kamao.
"Eh kung kamao ko kaya dumapo sa mukha mo?"
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Любовные романы[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...