Ikadalawampu't dalawang Kabanata: Attempt
Nagmistulang itim ang buong paligid kahit umaga pa lamang.
Wala akong ganang pumasok ngayon. Wala akong natanggap na mensahe na nagpapa-alala na kailangan kong alagaan ang sarili ko.
Matamlay kong kinuha ang susi sa maliit na garapon na nasa ibabaw ng eskaparate. Uminom muna ako ng tubig na siyang tangi kong kinonsumo ngayong umaga.
Dinampot ko ang aking bag. Lumabas ako ng aking unit na hindi sigurado sa pagkakapares ng aking suot.
Bago ko pa maisara ang pinto, sinulyapan ko ang sofa. Nagbaka sakaling mayroong tao roon ngunit tanging pekeng pag-asa ang ipinamudmod ko sa aking sarili.
Tatlong linggo na ang nakalipas ngunit walang Gabriel na nagpakita o nagparamdam sa akin.
Tatlong linggo na wala akong ginawa. Hindi ko magawang lumapit sa kanya o magtanong man lang.
Naduduwag ako.
Natatakot akong baka hindi na niya ako matanggap.
Binaybay ko ang pasilyo papuntang elevator. Marahil kung nandito siya'y hawak na niya ang kamay ko at hinding-hindi bibitiwan hanggang makarating kami sa kanyang kotse.
Nakarating ako sa parking lot matapos ang ilang minuto. Isinuot ko ang aking helmet. Hindi sapat ang imahinasyon para alalahanin siya.
Gusto ko siyang makausap. Hindi upang linisin ang pangalan ko kung hindi upang sagutin ang lahat ng bumabagabag sa kaniya. Ang humingi ng kapatawaran, sa lahat-lahat.
Di gaya ng normal kong araw, mabagal ang pagpapatakbo ko sa aking sasakyan.
Pinipilit kong makapag-isip ng tamang hakbang ngunit nabigo lang ako.
Sa totoo lang, hindi ko ramdam ang pagkilos ng katawan ko. Ginagawa ko lang ang lahat dahil nakasanayan na. Dahil kung magkukulong ako sa kwarto'y pakiramdam ko, hindi ako makakahinga.
I need to at least make myself healthy. I need to properly face him.
But how?
Napabuga ako ng hangin pagkarating sa entrada ng gusali. Kapag inihahatid ako ni Gabriel ay hindi nawawala ang pabaon niyang halik.
Ngunit ngayon, tanging hangin lamang ang dumampi sa aking mukha. Patay at walang gana.
Humingi ako ng tulong kay Nikkon ngunit hindi rin niya alam kung nasaan si Gabriel. Wala rin naman akong contact sa mga kaibigan niya. At lalong hindi ko kayang humingi ng tulong kay Eunice.
Alam kong hindi niya ako tutulungan kahit alam niya. Pero mas sigurado akong walang pinagsabihan si Gabriel kung nasaan siya. Iyon ang nararamdaman kong totoo.
Wherever he is, he probably wants to be alone.
And I, being the oblivious person that I am, now realize how much I didn't pay attention to him all this time. I was so good in admiring him. I was so good in wishing him things. But I failed at knowing more about him.
Just like before.
Tipid akong ngumiti sa mga bumati. Tuloy-tuloy ang aking lakad at hindi na lumilingon pa.
Hindi ko alam kung may nalalaman sila sa nangyari ngunit base sa mga nakikita ko sa kanilang mukha ay wala.
Ipinagpatuloy ko ang mistulang isang daang kilometrong paglalakad na kung tutuusin ay malapit lang naman.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romance[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...