CHAPTER 1

1.2K 84 89
                                    


Unang Kabanata: Anniversary



Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi sa probinsya. Dahil mahigit dalawang oras ang layo nito sa Maynila, ramdam ko ang bigat ng loob ng angkas ko kanina. Panay ang buntong-hininga nito.

I stopped when the lights turned red. Napangiti ako ng bahagya.

Masarap talaga sa pakiramdam kapag nakakatulong ka sa iyong kapwa. Laging pinapaalala ni tatay ang importansya ng pagdamay sa taong nangangailangan. Aniya, hindi pinipili ang taong tinutulungan.

Pinaandar kong muli ang GSX ko na regalo sa akin ni tatay noong nag-eighteen ako, dalawang taon na ang nakakaraan. Hindi alintana ni tatay kung ang naipon niya sa trabaho ay napunta dito. Gusto raw niyang mag-iwan ng bagay na aalagaan namin hanggang pagtanda. Baril noon ang iniregalo ni tatay kay kuya, bilang sekyu ito. Habang ang bunsoy namin, sabik na sa kanyang regalo.

I am now outside the walls of the city nang madaanan ko ang isang matandang nagtitinda ng balot. Gabi na ngunit masigla itong sumisigaw ng kanyang chant para mahalina ang mga tao. Payat ito at medyo manipis and damit, nagbubuhat ng tantiya ko'y mabigat na basket.

Itinigil ko ang motor sa tapat nito at hinubad ang helmet. "Magandang gabi ho, tatang."

He smiled. Though wala na itong ngipin sa itaas, nakangiti pa rin ako nitong sinalubong, hindi alintana ang pagod at puyat sa ginagawa.

"Magandang gabi rin naman, hija. Baka may gusto kang bilhin. Pasalubong?"

Bumunot ako ng 500 mula sa kita kanina. "Pabili ho ako ng pitong chicharong bulaklak, tsaka ho tatlong balot. Samahan niyo na rin ho ng dalawang maning hubad."

Parang nagningning naman ang mga mata nito at dali-daling ibinaba ang mga tinda. Masigla at mabilis ang paggalaw nito.

Saglit na nanubig ang aking mga mata nang magbilang ito sa daliri habang hinihila sa tali ang mga chicharon.

Bumaba ako sa motor at tinulungan itong kumuha ng kailangan. "Naku, hija. Bumalik ka doon sa motor mo, ako na ang bahala sa mga bilihin mo," ngiti niya.

"Sus tatang, ayos lang. Gusto kong tumulong." I smiled. "Ako po si Gabo. Ano hong pangalan niyo?"

Ngumiti siya't nagsimulang magsalin ng suka sa plastik. "Tatang Albo na lang, Gabo. Itong pagbabalot ko, matagal ko nang ginagawa. High school pa lang ako noon, ito na ang nakasanayan ko sa aking ama hanggang magkaroon ng asawa at anak."

Sandali itong tumigil at mukhang naiiyak. Pinilit kong pagaanin ang usapan.

"Naku, tatang. Siguro ho, magaganda at gwapo mga anak niyo 'no? In love na in love po siguro misis niyo sa 'yo."

"Totoo 'yan Gabo. Maaaring salat kami sa pera, ngunit hinding hindi kami lugi sa pagmamahal." Isinilid nito sa supot ang lahat ng aking binili. "Salamat, Gabo. Nakikita kong maganda ang pagpapalaki sa'yo ng mga magulang mo. "

I smiled genuinely. Ibinigay ko sa kanya ang bayad at agad nagsalita bago pa man niya makita ang pera.

"'Pag nakilala niyo ho ang Tatay Max ko, paniguradong magkakasundo kayo." Tumayo ako at tinulungan siyang buhatin ang mga paninda.

"Uuwi na po ba kayo niyan?" Medyo gabi na, baka mapa'no pa si tatang.

"Kailangan ko pang maubos ito Gabo."

"Ayos lang po ba kayo? Gusto niyo po, ihatid ko na kayo sa bahay niyo."

"'Wag kang mag-alala hija at sanay na ako. Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho."

The Heart of a Wounded SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon