Ikalabingsiyam na Kabanata: President
Ipinarada ko ang aking GSX katabi ang iba pang sasakyan sa di-kalayuang parte ng construction site. Ilang buwan na rin ang nakalipas at kitang-kita na ang prestihiyosong istruktura ng Grandiose. Ito ang unang proyekto ni Gabriel at ng QGC na hindi saklaw ng Quez. Halos lahat kasi ng proyekto niya noon, bitbit ang pangalan ng holding firms ng kanyang ama.
Bago ipasa ng kanyang lolo sa kanyang ama ang Quez, sumasailalim ang kanyang ama sa maraming proyekto at pagkabigo. At ang pagtatag ng kompanyang hindi saklaw ng Quez ang isa naman sa mga kailangang gawin ni Gabriel bago ipataw sa kanya ang isang napakalaking responsibilidad. Kasama na rito ang iba niyang proyekto noon.
Ito ang isa sa mga pangarap na matagal na niyang pinagplanuhan. At ngayon nga'y nagkakatotoo na. Masayang-masaya ako para sa kanya.
Tumingala ako at bahagyang napapikit sa nakakasilaw na araw. Hinubad ko ang aking jacket at natira ang aking white blouse at regular fit jeans, habang puting sapatos naman sa ibaba. Dala-dala ang blueprint at hard hat para sa aming mga electrical engineer, nagtungo na ako sa first floor ng kompanya.
Hindi pa man gaanong furnished ngunit maayos na rin ang opisinang nandirito para sa head engineer at iba pang importanteng tao na parte ng proyekto kagaya ng architect at construction manager. Narito sila upang masigurado ang tamang paglalapat ng plano at para na rin masigurado na maaagapan agad ang sumulpot na problema. Hindi naman iyon maiiwasan.
My eyes skimmed the whole of Grandiose. I am so proud with all the labor force and the professionals who made this possible. But I am even more proud of the one who envisioned this hotel. I am sure it'd be a success. I feel so delighted of what he had become and what will he achieve in the future.
Kahapon ay nakauwi na si Gabriel mula sa isang seminar na dinaluhan ng iba't ibang hotel and residential developers sa buong mundo. Parte ito ng pagpapasa ng kanyang ama ng responsibilidad. Ilang linggo na rin kaming hindi masyadong nakakapag-usap.
Kung kaya naman, ninais niyang pumunta ngayon dito. Gusto kong isipin na gusto niya ang ideyang iyon upang mabantayan ang pagtatayo ng gusaling ito. Pero alam ko sa sarili kong may mas malalim na dahilan. Umiling na lang ako at iwinaglit iyon sa aking isipan.
Pero lintik talaga ang Gabriel na 'yan dahil ngayo'y napapangiti na ako at hindi makahinga. Para akong dalaga na nag-aabang ng sundo mula sa kanyang date sa prom. Sinampal ko ang aking sarili upang matangay ang mga hindi kanais-nais kong malay.
I came here to oversee the electrical implementation made by our trusted electricians. I shouldn't be this excited! I should work!
"The fuck, Gabby? Ang bilis mong magpatakbo!" hinihingal na sambit ng kadarating lang na si Norman.
Natawa ako sa humahangos niyang hitsura. Bahagyang magulo ang puti nitong longsleeve at tumutulo na rin mumunti niyang pawis. Hindi naman ito naging hadlang sa pagiging makisig niya. Norman looks good in his own way. Lalo pa't may dala-dala rin siyang blueprint at hard hat.
"Tara na nga!" Kunot-noo niya akong hinila papasok sa loob.
Umangat ang tingin ng mga taong nandoon sa amin. Agad kong inayos ang sarili at ngumiti sa kanilang lahat. Nagbatian kami at napagtanto kong kumpleto ang team ngayon. Ibang-iba ito sa aking pakiramdam.
"This is Architect Kirron Villamor. I'm sure you've already met?" pagpapakilala ni Engr. Rio sa medyo nakaka-intimidate na arkitekto. Pinagmasdan ko ang awra nito na mukhang misteryoso dahil nagmistulang mahal ang ngiti nito.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romance[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...