CHAPTER 32

371 14 0
                                    


Ikatatlumpu't dalawang Kabanata: Free



Ilang araw ko nang pinag-iisipan ang lahat. Sabi ni Gabriel, kapag handa na akong makinig, sasabihin ko iyon sa kaniya.

Mukhang madali pero mahirap.

Ang alam ko lang, magpapakatotoo ako sa sarili ko.

Ngayon ko lang napagtantong kaya kang baguhin ng pagmamahal. Kayang baguhin ng pag-ibig ang prinsipyo mo.

Even the hardest of walls can be crumpled by love.

That's how powerful it is.

I want to hear his side.

That was one thing he failed to do before but I won't do the same.

If someone hurt us, we shouldn't hurt them back. Waves of conflicts and fights will just surface.

It will be a never-ending cycle of hurt.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayoko na. Ginusto kong makatakas sa pagkakakulong ko sa kaniya, oo. Pero ayaw ko siyang kalimutan.

Ironic isn't it?

I can't believe this is happening to me.

Sinaway ko ang sarili ko.

Dahil baka... lihim ko ring dinadalangin na sana... huwag ko siyang makalimutan. Na sana rin, huwag niya akong kalimutan.

Kung dinadalangin niya iyon noon ay epektibo ito.

May parte pa rin naman sa akin ang nangangamba.

Paano kung niloloko lang niya ako? Paano kung paraan pa rin niya ito ng paghihiganti? Paano kung... parte pa rin ito ng nangyari noong mga bata pa kami.

Bumaba ako ng sasakyan at nilanghap ang sariwang hangin ng Baguio.

Kagagaling ko lang kanina sa PMA upang magpasa ng ilang dokumentong hinihingi ng institusyon.

Dahil nagtapos ako bilang top 4 noon, maaari akong makapagsanay at makapag-aral sa ibang bansa. Dahil iyon sa Air Force Professsional Courses Plaque na natanggap ko.

Nagpasa ako ng dokumento pero... hindi ko alam kung itutuloy ko iyon.

Ilang taon ang gugugulin ko para doon. Pakiramdam ko... nahuhuli na ako sa lahat.

I'm 28. My friends are all happily married. I am satisfied with my family's state of living.

I also want to grant myself that certain gift.

Pero...

Kung sakali man na hindi kami magkabalikan ni Gabriel... itutuloy ko iyon. Pakiramdam ko, hindi ko na kayang magmahal ng iba katulad ni tatay.

Kung hindi man ako magkakaanak at tatanda na lang na dalaga katulad ni tita, maglalakbay na lang ako sa buong Pilipinas o sa buong mundo.

Mag-aalaga ako ng mga aso at magreretiro din sa maagang edad.

Mapakla akong natawa.

Bumili ako ng bulaklak at huminto sa sementeryong nasa harap.

Isa ito sa mga pamosong pasyalan sa Baguio. Nakakatakot mang isipin pero dinadayo talaga ito.

Ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon para pumunta dito.

"Cemetery of Negativitism," I calmly uttered as I read the writings on the arch.

The Heart of a Wounded SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon