CHAPTER 28

322 16 10
                                    


Ikadalawampu't walong Kabanata: Mission



"Hindi kita niloloko, Kash... Sasabihan agad kita. I really want to go but... you know our situation."

"'Yon naman pala eh. Sige na, Gabo. Magtatampo ang misis ko niyan. Isa pa, ano naman kung pupunta siya? Whatever happened, it's all in the past now. Can't we all start anew?"

"I..." I bit my lip.

I looked outside the window of my car. It's sunny. I hear busy cars honking with the need to hurry up for their work. Everything is normal... Except me.

"I am afraid I still can't do that."

He just groaned.

"I am still on the process of accepting things, Kash."

"I know. But please... consider it, 'kay?"

"Oo naman."

"Good. Isasama na kita sa guest list."

"Pero–"

"No buts."

"O-Okay."

"I'll call you back. Drive safely."

"Salamat."

Pinatay ko ang tawag at itinuon ang pansin sa daan. Matapos lamang ng ilang minutong pagmamaneho mula condo, nakarating na ako sa meeting place namin.

Ipinarada ko ang aking sasakyan sa harap. Makailang ulit kong inuntog ang aking ulo sa manibela.

Kinakabahan ako.

"Pucha, ang lakas kasi ng loob mo, Gabo," saway ko sa sarili.

Kung kanina'y kalmado pa ako habang nagmamaneho, ngayo'y hindi na ako mapakali.

Hindi ko alam kung lalabas na ba ako o maghihintay muna ng ilang minuto para mapalagay ang loob ko sa sitwasyon.

Kinuha ko ang aking water bottle at agad nilagok ang laman nito. Bigla namang nangunot ang aking noo nang mapansin ko ang itim na kurbata sa sulok ng upuan. Kinuha ko ito at napagtantong kay Klio iyon.

Inilagay ko na lang ito sa glove compartment.

"Masaya na siya..."

Umalingawngaw sa aking isip ang mga katagang iyon mula kay Klio.

Alam ko 'yon.

Masaya na siya.

May nagmamahal sa kanya at... may sarili na rin sigurong pamilya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Paano naman ako?

Bahagya akong napatalon at nagising ang diwa sa pagtunog ng aking cellphone. Binuksan ko ito at binasa ang mensahe ni Priam.


From: Priam

Good morning, ganda! Hindi ako makakapunta ngayon. Pinatawag ako sa kampo. Hahabol ako 'pag natapos 'to agad. Balitaan mo ako ah?


Napaawang ang aking bibig. Dumoble ang kaba ko. Mariin akong napapikit nang mapagtantong mag-isa akong papasok sa loob. Akala ko makakasama si Priam pero lintik lang talaga ang tadhana. Gusto yata akong gawing katawa-tawa.

Hindi ko naman masisisi si Priam dahil tungkulin niya iyon. Nag-reply agad ako sa kanya.


To: Priam

The Heart of a Wounded SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon