Ikatatlumpung Kabanata: Red
'Yon ang mga huling katagang naaalala ko sa linggong iyon.
Inakala kong magiging madali ang misyong ito. Ibinaon ko sa aking kaloob-looban ang mga memoryang pilit ko nang kinakalimutan.
Kasama na ro'n ang mga 'what ifs' na nagiging dahilan pa ng pagkapit ko... Kahit alam kong wala na.
Natapos ni Eunice ang mga trabaho niyang naka-linya. Ilang araw lang matapos no'n ay nagdesisyon na siyang magbakasyon. Heto nga't nagba-byahe na kami.
Napahigpit ang kapit ko sa manibela. Mabuti na lang at nasa bandang likuran ng van ang mag-asawa.
Sinilip ko sila sa salamin. Tulog si Eunice sa balikat ni Gabriel na ngayo'y nakatingin sa labas ng bintana.
I sped up a bit when we went past the place's landmark. I made a swift right turn to the hotel's main entrance.
I cleared my throat, only to be cut out by his dominant voice.
"We're here." He turned to Eunice. "Hey... wake up."
"We're in Subic na?" Gabriel nodded. "Yes! Finally."
Tinapik ko na si Priam na nakatulog din. Madaling araw pa lang kasi. Ibinilin talaga ni Gabriel na gumising ng maaga para dito.
Bumaba ako. Nasa likod ko na agad si Priam. Kinuha namin ang aming mga gamit. Sinubukan ko namang kunin ang mga gamit nina Eunice pero nauna na roon si Gabriel.
"Ako na dito," aniya.
Yumuko lang ako at hindi na nagsalita. Nauna na sina Eunice at Priam sa paglalakad. Hindi pa rin siya umaalis sa kanyang pwesto kaya't umangat ang tingin ko sa kanya.
Umawang ng bahagya ang kanyang mga labi. Iniwas ko ang aking paningin doon at naglakad na rin.
Mabilis na dumating ang bellboy na mag-aasikaso sa amin. Kasama ang manager ng hotel, inihatid nila kami sa dalawang executive suites.
"We are so honored to have you here, Mr. Quezadas. Thank you for choosing us. We look up to you, handling one of the best hotels we have in Asia."
"My husband just loves to spoil me, miss. Ako mismo ang nag-request sa kanya na dito kami mag-stay," ani Eunice habang hawak-hawak ang kamay ni Gabriel.
Ngumiti ang babae at ibinigay ang isang key card kay Priam. Kay Gabriel ang isa.
Pansin kong titig na titig si Gabriel sa kanyang hawak.
"Kuya Gab, Eunice, tawagan niyo kami if something happens."
"Thanks, cousin. Ano, Gab? Pasok na tayo. I'm still a bit sleepy."
"Yeah, sure..."
We waited for them to enter their room but Gabriel is still rooted in his place.
"Gab?"
"Uhh... what about your cousin?"
"Si Priam?"
"Yeah. Actually... the both of them," medyo nag-aalinlangang sabi ni Gabriel sabay baling sa amin.
What is he trying to imply?
Tumingin sa akin si Priam. Inakbayan niya ako at sa ngiti pa lang niya, mukhang naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin.
"Sanggang dikit na kami ni ganda, Kuya Gab. You have nothing to worry about. Isa pa, we're colleagues. We will protect each other. If that's what you mean..."
"Oh, 'yon naman pala. Can we now rest? 'Wag kang mag-alala, hon. Magkatabi lang tayo ng rooms. Besides, they're both consenting adults. And I think... we have no say kung ano man ang gagawin nila. Right?"
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romance[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...