CHAPTER 39

337 16 2
                                    


Ikatatlumpu't siyam na Kabanata: Wounded



"Hello, mom?"

"Gabriella, dear, is my son home yet?"

"Wala pa po eh."

Hinawi ko ang kurtina para makita kung nakabalik na ba si Gabriel ngunit wala pa rin siya hanggang ngayon.

Napatingin ako sa aking relo.

"We will start the dinner with or without him. Halika na rito, anak. Everybody's starving."

"How about Gabriel?"

"Just tell him to come to the garden soon. We can't wait any longer."

"Okay mom."

Nang matapos ang tawag ay kinuha ko na ang aking pouch malapit sa salamin. Inayos kong muli ang aking hikaw at kwintas. Kaunting hawi sa nakalugay kong buhok at dumiretso na ako sa labas.

Nang makapasok sa kotse ay nagpadala muna ako ng mensahe kay Gabriel.


To: Gabriel

They are waiting too much. Sumunod ka na lang. You better have a good explanation for not sending us a message.


Nang mapindot ang tamang buton ay nagpakawala muna ako ng hangin.

We are having an intimate dinner with both of our families. We were both dressed and ready to go half an hour ago but he suddenly got a call from his friend, Cal.

Cal's wife is delivering their baby. He said he needs to be there for support. I totally understand but, he could've at least assured us.

I value time so much. I am embarrassed by our late arrival especially his.

But I also don't want to cause him haste and drive fast. I also know that Cal is an important friend to him.

It's really hard for me to balance my irritation and worries. Especially these days. I don't know why.


To: Gabriel

Please drive safely. I love you.


Kaunti lang ang lakbayin papunta sa secluded garden nila sa farm. Doon gaganapin ang pagtitipon kaya nagmaneho na ako.

Napahinga ako ng malalim.

Kailangan kong maging kalmado kahit papaano. Oo nga't pamilya namin ang naroroon ngunit kinakabahan pa rin ako dahil pati ang extended family nina Gabriel, pupunta.

Maliit lang ang pamilya naming mga Naval.

Ang mga tito at tita ko mula Maynila at ibang bahagi ng La Esencia, pati na sa Visayas ay pupunta.

Kumpara sa kina Gabriel, na may ilang mula pa sa Amerika at Gresya.

Umakyat ang sasakyan sa mababang dalisdis. Hindi katulad sa bahay nina Gabriel, panay mamahalin at di-karaniwan ang bulaklak na naririto.

May ilang hyacinth, lily, tulips, iba't ibang klase ng rosas at ilang hindi ko na kilalang bulaklak. Sa maikling salita, elegante.

Hindi na rin nakapagtataka ang laki ng kanilang lupain.

Ang buo nilang farm ay nahahati sa apat na bahagi.

Una ay iyong plantation ng mga prutas at gulay na pinakamalaki sa lahat. Ikalawa ay 'yong para sa mga Esencianos na mistulang parke na ikalawa sa lawak ng lupain. Ikatlo ay ang secluded garden na para lang sa mga Quezadas. Ang huli ay 'yong nasa dulong lupa kung nasaan ang bahay ni Gabriel.

The Heart of a Wounded SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon