CHAPTER 5

567 58 31
                                    


Ikalimang Kabanata: Celestine



"Were you always like that?" he grinned.

"Hindi. Hindi naman ako Ms. Friendship sa mga babae."

Tumawa siya at saktong nakita namin si tatay na kasama si bunsoy. May kausap ito. Si kuya naman ay hindi ko alam kung nasaan.

"Oh! Si Gabo ba ito? Aba'y dalaga na nga!" tanong ng kausap ni tatay nang makalapit kami.

"Oo. 'Nak ang Ninong Sid mo," pakilala ni tatay.

Natatandaan ko siya. Galante si ninong tuwing namamasko ako sa kanya noong bata pa.

Nagmano ako dito. "Kamusta 'nong! Dami niyo na hong utang na papasko sa akin," biro ko sa kanya.

Tumawa ito. "Mabuti naman Gabo. Siya nga pala, si Anjo naaalala mo pa ba?"

Biglang may lumapit sa kanyang isang lalaking mid-twenties at naka polo shirt. Naaalala ko siya. Naging kaklase ko ito noon sa kolehiyo sa isang subject.

"Kumusta, Gabo? Ang ganda mo ngayon ah," bati niya.

"Ayos lang engineer. Mukhang bigatin ka na ah," pagbibiro ko. "Ang dami mo na sigurong proyekto ngayon."

Si Anjo ay graduate sa kursong civil engineering kagaya ng ama. Malamlam na kayumanggi ang balat nito't maganda rin ang mga mata. Mabait si Anjo. Sariwa pa sa aking utak ang ginagawa niyang pagtulong sa akin sa ilang topics na hindi ko maintindihan.

"Marami-rami na rin. Katatapos lang ng isa naming proyekto sa Makati. At ngayon, may sisimulan kami sa Laguna. Kung gusto mo Gabo, irerekomenda kita."

Agad na lumukso ang aking puso sa narinig. Masarap syempre sa feeling ang may mag-offer sa 'yo ng trabaho. Naagaw naman ang aking atensyon nang biglang may tumikhim sa aking gilid.

"Hindi na, Anjo. Salamat. Good luck sa proyekto niyo," simpleng ngiti ko.

"Thanks, Gabo. Pero sure ka ba? I mean naghahanap ka siguro ng trabaho 'di ba? May nahanap ka na?" sabik niyang tanong.

Napatingin ako kay Gabriel. "Ah o-oo. Parang ganun na nga."

Tumango-tango ito at bumaling naman sa kasama ko. "You seem familiar. Have we met?"

"I'm sure you've heard of QGC." he responded.

I felt him moved a little close to me and put his hand at the small of my back. Napatingin doon si Anjo at hindi ako makagalaw sa sobrang kaba. Kabado kong tiningnan si tatay na kausap na ulit si ninong.

"Oh! You work there? An employee? Parang nakita na kasi kita nang napasyal ako doon to visit a friend."

Employee? Really? Engot ba 'to?

He smirked. "I'm the owner," simple niyang sabi.

Hindi na ako nagulat. Anjo's jaw dropped a little pero agad ring nakabawi. Ngumiti ito at nag-offer ng kamay.

"M-My bad, sir. I'm sorry, I didn't know. I am Anjo Silverio sir. I've heard so much about QGC. One of the top performing real estates company. I also know about your other affiliates sir. Oh! And of course your farm-"

Simple itong tumango at pinutol ang mga sasabihin pa ni Anjo.

Bumulong ito sa akin. "Let's go."

Tumango ako at bumaling kay Anjo na hindi pa rin makapaniwala. "Uh Anjo, alis na kami."

"Uuwi na kayo nina Tito Max?"

The Heart of a Wounded SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon