CHAPTER 35

329 17 4
                                    


Ikatatlumpu't limang Kabanata: Shot



Lumangitngit ang mesa dahil sa pagkakahampas ng mga papel. Nagpupuyos sa galit si Gabriel pero hindi pa iyon sukdulan. Pilit siyang nagtitimpi.

Malaya kong iniwas ang paningin sa mga iyon at ibinaling sa salamin. Ngayo'y direkta ko nang nakikita ang mga bulaklak na nasa labas ng cabin.

"Lyzelle Andrada. 30. Anak nina Tanya at Frederick. Ipinanganak sa Leyte bago pumunta ng Maynila nang mamatay ang kaniyang ina. Ang tatay niya, lasinggero. Gumagamit ng ilegal na droga at madalas silang sinasaktan. Other than that, wala na. No trace of data on the web. That includes their family name, status, and income. Lahat ng nakakakilala sa kanila, takot magsalita."

Hindi na inabot ng linggo ang pagsasaliksik ni Santos. Mabilis iyon at kumpleto ang lahat ng dokumento. Nagkatinginan kami ni Priam dahil alam kong maaaring labag sa batas ang ginagawa ng kanilang angkan. Ni hindi sila sakop ng gobyerno at mukhang malawak ang emperyo ng organisasyong iyon.

Magkagayon, sa totoo lang ay hindi ako nababahala. Labas ako roon at ang pagiging sundalo ko. Humihingi ako ng tulong sa kanila bilang anak at kapatid.

"Paano mo siya naging kapatid, Eunice?"

Hinawakan ni Dame ang kaniyang asawa. Nakokonsensya ako dahil nadadamay pa sila rito ngunit kailangan lang talaga ng impormasyong iyon.

"I witnessed my parents' fighting since I was five years old. We are elite people, I know now that they are covering something up because they don't want the public to know. My dad's a general and my mom has many charities. She's famous among the uppercrust."

Napigil ko ang aking hininga. Kung ano man ang maririnig ko mula sa kaniya, maaaring mabago no'n ang pananaw ko lalo na kay general.

"I asked my mom once... I heard nothing but apologies and sobs. Kapag sumisilip ako sa kwarto nila, laging galit si dad at umiiyak si mom. Hindi na ako nag-abalang magtanong ulit dahil tingin ko... the c-child's from my mom's sin with that Frederick."

Bumuhos ang kaniyang luha at tumango na ako kay Dame. Sabay-sabay naming nilingon ang paglabas nila. Pagbaling ko sa aking kamay, nangingilig na ito.

I don't know what I'd do if it was General Clodualdo.

"Is this information even legit, Santos? Ang sabi mo'y takot silang magsalita. Paano tayo nakakasigurong totoo ang mga pinagsasabi nila? Truth can be twisted easily."

Nadama ko ang pait sa boses ni Gabriel. Marami nga siyang koneksyon ngunit sadyang sanay lang ang mga Bonifacio sa gawaing ito. Hindi ko siya sinisisi o isinasantabi.

"I've been in this business more than you can imagine, Quezadas. Unlike you, na parang ilang taon na yata ang inabot. Hindi naman kita masisisi dahil negosyo ang forte mo."

"Santos..." hindi ko na napigilang sumabat dahil sa nararamdamang tensyon.

Marahang pinatunog ni Gabriel ang kaniyang leeg. Ginagap ng dila ni Santos ang kaniyang bibig. Si Priam na kanina'y seryoso at kunot ang noo, umusbong ang ngiti sa labi.

"Hindi ka ba masaya na tinutulungan ko si Gabriella?"

Bagot na umalis si Gabriel sa senaryo. May kinuha siyang sobre at disenteng inilapag sa harap ni Santos. Agad akong kumalas sa tensiyonadong upo. Lumukob ang pagkauhaw ko sa katotohanan.

"Samples matched. Your stalker was Chris Arguelles. They specialize in oil importation. Mayaman noon, mahirap na ngayon. Been with Lyle a year after her transfer in Manila. I monitored Makoy's emails and there were certain threats from Chris. We can deduct that Chris is protecting Lyle after the information was leaked to you."

The Heart of a Wounded SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon