Ikalabinlimang Kabanata: Wait
"Bwisit ka talaga, Gabriel!"
Tatawa-tawa ang lalaki habang inaakay ako papasok sa magarbong bahay na ito. Sa labas pa lang ng gate ay nakikita ko na ang mga bisita. Lahat sila'y simple ang suot. Pero ang nagpakinang at nagpabagay sa kanila sa lugar na ito ay ang pagkakaparehas nila pagdating sa kulay at tema ng okasyon – pastel.
"I told you that's okay. Maganda ka pa rin."
Agad naningkit ang aking mga mata. "Maganda? Mukha akong engot! Ba't hindi mo naman kasi sinabi na may pa-theme ang birthday party na 'to?!"
Napatingin ako sa sarili. Simpleng army green shirt, black leather pants, at black boots ang suot ko. Naka-high ponytail lang din ang aking buhok. Ang lintik na Gabriel na 'yan! Sabi'y basta kahit na anong damit ang isuot. Ako naman itong si uto-uto eh naniwala agad. If I only knew!
'Di na ako agad magpapapaniwala sa kanya. Nakakahiya!
Mariin ngunit malambot niyang hinawakang muli ang aking braso. Napatingin ako sa kapapasok lang na bisita na naka-pastel green na dress at white turband. Tumingin ito sa aming gawi at ako'y biglang nagkunwaring tsine-check ang gulong ng nakaparadang sasakyan.
Nang maramdaman kong nakapasok na ako'y muli kong binalingan si Gabriel.
"See? Baka ang iniisip no'n magde-deliver lang ako ng lechon dito!" He looked amused.
OA na kung OA pero kahit sino naman yata na mukhang basahan ang pupunta sa isang handaang panay sosyal ang bisita, ay gagapangan ng hiya. Lalo pa't hindi nababagay ang suot.
Hindi naman ako madalas na mahiyain. Kapag tinablan ako ng kapal ng mukha ay balewala ang lahat. Pero sadyang hindi ngayon ang panahon na iyon.
Kung nandito sana si Klio ay malamang sa malamang, naka-take two na kami sa pagkain. Eh ang bugok, wala.
"Come on, Gabriella. You're perfectly fine. We've been here for almost an hour. Late na tayo."
Pagak akong tumawa. Palibhasa kasi kahit papaano'y pasok ang datingan niya sa loob. Ang sabi niya'y hindi rin niya alam na may tema. Pero heto siya't naka-white polo na bukas ang unang tatlong butones, faded khaki trousers, at may gold chain necklace pa. Ang kanyang malambot na buhok ay sinadyang magulo. Ewan ko kung nagmamadali o nagpapagwapo lang. Either way, the outcome's the same. He's drop-dead sexy and gorgeous.
Kahit yata mag-Halloween costume siya'y bagay pa rin siya doon. Siya na!
"Hey man! Kanina pa kayo iniintay ni Mama. Ba't ang tagal niyo?" Napalingon ang lalaki sa aking gawi.
"Wow Gabo! You look uh..." Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng pagkibot ng labi ni Gabriel. Napanguso ako sa pagbibitin ng lalaki. I know. I look like an idiot. "...nice."
I'm sure tumatawa na 'yan sa loob-looban niya. Hindi ako sanay na mukha siyang pormal ngayon. He's wearing a pastel yellow three-fourths and white shorts. Mga bwisit. Sinamaan ko ng tingin ang dalawang pa-cool na lalaki sa harap ko.
"Tara na dude. Nasa loob na rin sina Cal," pag-iwas ni Nikkon.
Lumapit sa akin si Gabriel. Marahan niyang pinadulas ang kamay mula sa aking balikat papuntang pulso. Agad, ay parang lumipad papuntang dako-paroon ang lahat ng pag-aalala ko sa katawan.
"Come on, Gabriella. Trust me, you look perfect. Ikaw ang naiiba pero sa magandang paraan. You stand out." Umangat ang aking paningin sa mga mata niyang wala na namang bahid ng kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romance[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...