Ikatatlumpu't isang Kabanata: Escape
My head was throbbing when I woke up. I found myself on the road with them. I am now wearing Priam's jacket.
Inaninag ko ang daan... Saka ako parang nabuhusan ng malamig na tubig.
Bakit dito? Si Eunice ba ang pumili nito? Si Gabriel? Bakit?!
Pamilyar ang daang ito sa akin at hindi ako maaaring magkamali.
The distinguished scent of woods sent a different tingle in my nose. Back then, he was holding my hand while he's driving. Now, he's holding another woman in his arms.
What does this mean? How can he be so naive? How can he be so selfish?
I know it is wrong to assume and I am not. I was just hoping for respect... Especially with my feelings.
Considering what happened last night, I don't know what he's up to.
I glanced at Eunice and saw how she seems unbothered with what's happening. If she knows about this, which I think not, how will she handle it?
"Apat kami."
Napabaling ako sa pag-abot ni Priam ng mga tiket sa booth. Ilang saglit lang at pinapasok na kami sa malawak na lupain ng Freeport Zone sa Clark.
Huminto ang makina kasabay ng pagkabog ng aking dibdib. Namuo ang sakit at galit sa aking sistema.
Nagsibabaan na silang lahat maliban sa akin. Nag-uusap sila at tinatanaw ang lugar habang ako'y nagdadalawang-isip kung magpapaiwan ba ako o hindi.
"Ganda..."
Kinatok ni Priam ang aking bintana.
"O-Oo!" sigaw ko sa paos na boses.
Akala ko'y imposible itong mangyari. Isa ito sa mga pribadong memorya na gusto ko sanang sariwain hanggang sa mawala pero...
"Ganda?"
"Ito na! Bababa na!"
Sinalubong ako ng malamig na hangin.
They are all wearing long coats. I, on the other hand seemed like an intruder.
I hugged myself. Honestly, I never thought I'd feel like an outcast to a place I treated as my sanctuary.
We started walking. I was alone at the back, contemplating on how everything turned out to be like this.
I feel like they are invading my land... my privacy... my precious memories.
"Hey..."
Umangat ang tingin ko at si Priam pala 'yon. Ramdam ko ang pag-aalala niya.
Bigla niyang hinubad ang coat niya at inilagay iyon sa balikat ko. Nagulat ako nang bigla niya akong inakbayan.
"Ngiti ka na, para lalo kang gumanda," bulong niya.
Pinilit kong iangat ang pang-itaas kong labi. Ginulo niya ang aking buhok at pinagmasdan ang malawak na paliparan sa aming kaliwa.
Parehas pa rin ang aking pagkasabik. Pero kasabay no'n, dinidikdik ako ng mga alaalang hindi na puwedeng bumalik. Mga alaalang nananakit na ngayon.
'Di ko namalayan na nakalapit na pala kami sa take-off area.
Abala ang mga nagmamay-ari ng mga naglalakihang lobong iyon para sa event. Kasama nila ang mga kapitan na siyang magmamani-obra dito.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romance[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...