Ikadalawampu't pitong Kabanata: Happy
Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin kung paano ako trinato ng mga mata niya. Parang estranghero... parang hindi kakilala.
I stepped on the brakes as the light went red.
Medyo malakas ang naging buntong-hininga ko. Tatlong taon na mula noong huling pagkikita namin. Natuloy ang pagpunta namin sa hotel ni Gabriel sa Baguio para sa isang espesyal na tanghalian kasama ang mga pamilya namin.
He was silent the whole time. Never wanting to cross sight with mine. And he's all... so careful of the woman beside her. He was still so gorgeous... but I know I can never bring back the way his eyes praised my beauty.
Iyon ang huli naming pagkikita. Itinuloy ko ang pormal na pagsasanay ng aking propesyon sa militar. Pagkatapos ng tatlong taon ay isa na akong ganap na First Lieutenant.
"Some soldiers are scary, mama. Unlike you... pretty ka, like me."
Napabaling ako sa kanya. Nahawa ako sa ngiti niyang kasing liwanag ng araw. Bibo siya at talagang namana niya ang kakulitan ng kanyang ama.
"Syempre. So you should tell papa to be gentler towards me, okay?"
"Opo!" hagikhik niya. Mahigpit ang yakap niya sa kanyang stuff toy. Saglit kong inayos ang pigtails niya at hinalikan siya sa pisngi.
"Let's go to papa na?"
"Yes, mama!"
Sunod-sunod na umabante ang mga sasakyan. Habang nagmamaneho'y naglakbay ang isip ko sa lahat ng mga nangyari.
It wasn't easy. One's journey will always turn up and down, but needless to say, everything's all worth it when you've come to the point of acceptance and contentment.
Maayos na ang pamumuhay naming mag-anak ngayon. Patuloy na nag-aaral si Emil ng medisina. Si Kuya Tupe nama'y kamakailan lang ay nakabili ng lupang kanyang pinagkakakitaan. Si Tatay Max naman ay nakipag-ugnayang muli sa kanyang mga kaibigan at ngayon nga'y may negosyo sila.
Madalang na akong umuwi sa La Esencia. Mas madalas akong nasa kampo para sa mga misyon ko. Akala ko ay mahirap na ang pinagdaanan namin sa academy pero kapag nasa totoong mundo ka na pala, nagbabago ang lahat.
Binagalan ko ang takbo at iniabot kay Este ang Barbie water bottle niya. Uminom siya rito. Ibinigay niya sa akin ito pagkatapos at pinunasan ko naman ang labi niya.
"Thank you, mama."
"Anything for you."
I was a reckless fighter back then. I always thought that determination is enough to pursue my goals but it wasn't.
Fighting isn't always about knives and daggers. Sometimes, it's learning when to raise your flag and give up. To bear weakness and fault. To give up when you know you're losing.
Mas naging mahinahon ako sa lahat ng bagay. Kung noon ay pinapangunahan ako ng emosyon ko, ngayo'y pinag-iisipan ko na ang lahat bago gawin. Desisyon man ito o aksyon.
Nabugbog ang puso ko noon sa sakit. Akala ko noo'y katapusan na ng mundo... pero hindi naman pala. Sa bawat pintong magsasara, mayroong magbubukas.
Itong oportunidad na magsilbi sa bayan at kumampi sa tama at totoo ang pinanghahawakan ko. Sa bawat perang iaabot ko kay tatay at sa mga kapatid ko, gumiginhawa ang pakiramdam ko.
Ang mga ngiti nila ang nagbubura ng masasakit na kahapon.
"Mama, why are you giving me back to papa?"
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romance[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...