CHAPTER 2

851 67 74
                                    


Ikalawang Kabanata: Duty



Mukhang alam naman ni Gabriel ang karinderya. Baka nadaanan niya kanina.

"Wala ka bang naiwang trabaho sa Maynila?" tanong ko.

Iniingatan kong hindi na muling madikit sa kaniyang braso. Pakiramdam ko'y lalagnatin ako at hihimatayin sa sobrang kaba.

My customer glanced at me for a bit. "Wala naman. The deal yesterday, it was a success. Thank you."

Inihampas ko ang aking kamay sa ere matapos ma-realize na 'di kami close para padapuin ko ito sa kanyang braso. "W-wala 'yon sir. Masaya akong nakatulong."

"Oo nga, mukha nga," bulong ng katabi ko.

Siniko ko ito at dumiretso na kami sa karinderya. Madami-dami rin ang kumakain dito na kadalasan ay mga trabahador.

"Mag-order ka na," bulong ko kay Klio.

"Ano pa nga ba," pang-iirap nito.

Aming binuksan ang takip ng mga lalagyan. Nakakagutom! Ang sarap! Bumaling ako kay Klio at mukha itong asong gutom. Kadiri.

Pumunta ito sa kabilang side upang tingnan ang iba pang putahe. Tumingin naman ako sa nasa kaliwa na palipat-lipat ang tingin sa mga pagkain.

First time? Na naman?

"What do you want?" he asked.

"Pwede ikaw?" He seemed shocked but it was followed by his tongue grazing his lips. "Ikaw na ang pumili. Basta one and a half cup 'yong rice."

He smirked. Mukhang hindi naman nito first time dahil pumili siya ng mga pagkaing hindi kadalasang kinakain ng mga mayayamang katulad niya.

"Oorder lang, inabot ng 5 minutes?" reklamo niya.

"Ang effort mo naman mag timer. 3 minutes lang po senyorito."

Maya-maya'y dumating na si Gabriel dala ang tray.Nakita ko ang 2 cups niya ng rice. Itinaas ko ang aking kilay at napatingin sa kanyang braso.

Matipuno siya at maganda ang pangangatawan. Nakahulma ang biceps nito. I bet mayroon din siyang abs. Ipinilig ko ang aking ulo sa ibang bagay. Baka nag g-gym?

I saw a ghost of smile when I looked back at him. Sige Gabo, tingin pa.

Inabala ko ang aking sarili sa pagkuha ng ulam at plato. Umupo siya sa monoblock chair at dinampot na ang kubyertos. Nagsimula na kaming kumain.

I am slowly eating unlike what I always do. Inoobserbahan ko kasi si Gabriel.

Sa isip ko lang naman kayang sambitin ang kanyang pangalan kaya okay lang.

Itinabi ko ang mga patatas at sumubo ng kanin. Napatingin ulit ako kay Gabriel na parang sanay na sanay kumain dito.

"M-Masarap ba?"

Nabitawan ni Klio ang kubyertos niya at napainom ng tubig. Tumingin ako sa kanya at napakunot ang noo. Bumaling ako kay Gabriel na uminom din ng tubig.

"I-It's delicious. Masarap."

Napatango-tango na lang ako at awkward na ngumiti. Saka ko na-realize na dapat kong ayusin ang mga tanong ko! Gabriel will think I am a weirdo!

"Mabuti... Uh okay lang sa'yo na kumain dito."

"What do you mean?"

"B-Baka kasi, hindi ka sanay."

The Heart of a Wounded SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon